Sam Milby says past encounter with Brazilian model Marianna del Rio was "simple flirting"

"Never, never date. Never close. Nothing ever. Nothing...[it's] like simple flirting," says Sam Milby about his encounter with Brazilian model Marianna del Rio (inset).



Pagkatapos mapagbintangan na dahilan ng hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz, nauugnay naman ngayon ang Brazilian model na si Marianna del Rio sa Fil-Am actor-singer na si Sam Milby.

Pero binigyang-linaw naman agad ito ni Sam nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ASAP ‘08 bago siya umalis patungong Amerika kasama sina Piolo Pascual, Pokwang, at John Lloyd Cruz para sa series of shows nila roon.



Nagkaroon nga ba sila ng relasyon dati ni Marianna?



"Hindi," diretsong sagot ni Sam. "Not true at all. We became friends with her though, during ASAP long, long time ago. Nag-ASAP siya noon."



Ano particular ang ginawa ni Marianna sa ASAP noon?



"She was one of the...for like the Bench fashion show. She actually came up to me and liked talking to me. We became friends after that," kuwento ni Sam.



"SIMPLE FLIRTING."
Naganap daw ang Bench fashion show sa Aliw Theater last year. During that show, mismong si Marianna pa raw ang lumapit kay Sam at nagpakilala sa kanya.



Kuwento ni Sam, "Yeah, actually, they were like few who wants to take pictures with me. ‘Tapos she keeps on talking to me."



Naging close ba sila?



"Never," diin ni Sam.



Nag-date ba sila?



"Never, never date. Never close. Nothing ever. Nothing...[it's] like simple flirting," tila nabiglang sabi ni Sam nang tanungin namin siya kung ano ang ibig niyang sabihin dito.



Nagkaroon ba sila ng physical contact ni Marianna?



"Hindi," malambing na sabi ni Sam. "I never kissed her. I never done anything at all with her."



Paano ba niya ide-describe yung "simple flirting"?



"Wala, just friends lang talaga. She's never been any thing at all."



Naging constant textmates ba sila ni Marianna?



"Hindi," sagot niya. "I haven't talked to her in months."



Pero inamin ni Sam na pagkatapos ng picture taking nila ni Marianna ay nagti-text pa rin rin sila at nagtsa-chat on line.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Sam kung ilang taon si Marianna nang nagkakilala sila?



"Well, she told me she was 17 when I first met her. But I think she's 19 now," sagot ng singer-actor.



Sa interview ng The Buzz kay Marianna two Sundays ago ay sinabi niya na 16 years old lang siya.



"Ahh.... I don't know. I haven't talked to her in months. But I think she has a birthday last January," reaksiyon ni Sam.



ANNE KNOWS. Sa huling interview ng rumored girlfriend ni Sam na si Anne Curtis, nagulat ang young actress nang tanungin siya tungkol kay Marianna. Halatang walang kaalam-alam si Anne tungkol kay Marianna at hindi niya nabalitaan na nagkaroon ng kaugnayan ang Brazilian model kay Sam.



"Oh, she knew," sambit ni Sam.



Affected ba si Anne sa tsismis sa kanila ni Marianna?

"Not at all. There's no reason for her to get jealous. She knows her but she never met her."



Paano kung i-love triangle sa kanila ni Anne si Marianna kapag tuluyan nang mag-artista ang Brazilian model?

"Any work, I welcome. Any work is a blessing," sagot ni Sam.

Usap-usapan din ang nababalitang pagpasok ni Marianna sa loob ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ng ABS-CBN sa March 30, Sunday. Ano ang masasabi ni Sam dito?

"I wish her all the best, of course," bulalas ng binata.

Posible na kapag nasa loob na ng bahay ni Kuya si Marianna maikuwento niya ang tungkol sa kanila ni Sam. Tulad din ng pagbanggit ni Bangs Garcia nang mabigyan ito ng break sa Palos at sinabing nanligaw diumano sa kanya noon si Sam.



"Bangs, I dated. I said we dated for three weeks. With Marianna, talagang wala. We never had anything talaga," paglilinaw ni Sam



Sa tingin ba niya girlfriend material si Marianna?



" I never got to know her that well at all," sagot niya. "But right now, I'm in love. So, there's no reason to answer that question."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



In love with Anne?



"I'm still courting her. Everything is going very nice right now," nakakabiting sagot ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN