Willie Revillame buys P24.5M house

"Pero you know what? Wala naman sa akin ‘yan. Ano ba angbuhay ko? Ang buhay ko, sa dressing room [ng Wowowee] ‘tapos sa bahay.Yun lang ang buhay ko from Monday to Saturday," says Willie Revillame whenasked about his expensive houses and cars.



Mismong ang best friend ni Willie Revillame na si JohnEstrada ang nagkumpirma na isa na sa pinakamayamang artista ngayon ng bansa anghost ng Wowowee. Si Willie na rin daw ang pinakamayamang TV host, ayonpa kay John.

"Hindi naman," pagpapakumbaba ni Willie nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal). "'Tsaka hindi naman paligsahan ng yaman ito.Parang sobrang blessed ka lang."

Sa sasakyan pa lang daw ay pawang luxury cars ang pag-aarini Willie. Nakiusap na lang sa amin si Willie na huwag nang banggitin kunganu-ano ang brands ng mga ito.

"Lahat naman ng ‘yan [kotse], inspirasyon ko ‘yan, e. Kasiparang ‘yan yung [mga dahilan] kaya sinisipag ako. ‘Tapos yung aking bahay sa Tagaytay."

WILLIE'S HOUSES. May 4,000 sq.m. ang laki ng lupa ngbahay ni Willie sa Tagaytay Highlands. At kamakailan ay bumili ng bagong bahaysi Willie sa Corinthian Gardens worth P24.5 M. Ang personal secretary ni Williena si Katya Montenegro ang nakahanap ng bahay at binili ng TV host ng cash.Pinapa-renovate ngayon ni Willie ang bago niyang bahay na plano niyang tirhansa mga darating na araw.

"Good investments din ‘yan para sa akin," nahihiyang kuwentoni Willie. "Pero you know what? Wala naman sa akin ‘yan. Ano ba ang buhay ko?Ang buhay ko, sa dressing room [ng Wowowee] ‘tapos sa bahay. Yun langang buhay ko from Monday to Saturday.

"Tuwing Sunday lang ako nagpupunta roon [Tagaytay], para magpahinga. ‘Di ba, inaaya kokayo roon? ‘Di ba, magpapa-dinner lang ako, ganun? Ngayon, makikita ninyo,marami na akong idinagdag sa bahay. Ibang-iba na yung bahay. Ginawa kongprivate resort."

Pag-aari pa rin ni Willie ang una niyang bahay sa CapitolHomes. Maliit lang 'yon pero doon nagsimula si Willie.

"May kinuha rin akong bahay sa Punta Fuego. Kapitbahay kosina FG [First Gentleman Mike Arroyo]. Nine-negotiate pa yung bahay na kukunin.Doon ko kasi ilalagay ang yate ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Willie kung saan naman nakatayo ang bahayna nabalitang para kay Cristine Reyes na pinapabenta niya kay Nadia Montenegro.

"Wala yun, Hindi totoo yun. Wala akong pinapabenta kayNadia. Si Katya, yung kapatid niya, ang pinahanap ko ng bahay sa Corinthians.

"Alam mo, si Cristine bata pa ‘yan. ‘Di ba hindi naman ‘yan...Saka wala naman akong commitment kahit kanino. Tinanong ko rin si Cristine kungmay boyfriend siya, sabi niya wala."

Isang bahay lang daw sa mga pag-aari ni Willie ang nawala sakanya—ang tinirhan nila ng ex-wife niyang si Liz Almoropagkatapos ng kanilang kasal sa Ayala Hillside Estate.

"Pinirmahan ko na," ang titulo raw ng lupa na nagsasalin sapangalan ni Liz ang pag-mamay-ari. And the rest ng pag-aari ni Willie, walanang habol si Liz.

Kailangan daw niyang pirmahan iyon, para na rin sa kanilanganak. At si Liz, puwede na uling magpakasal since annulled na ang civilmarriage nila.

"Yung marriage wala na. Annulled na. Sa simbahan na langkasal. Puwede ulit [si Liz na] magpakasal pero civil lang.

WILLIE'S WILL. "Tsaka sa last will and testament ko,yung mga taong gumawa sa akin ng mabuti, isinama ko. Basta yung mga taongnagsilbi sa akin, like yung maid ko, binigyan ko ng puhunan para sa pamilyaniya. Pinalagay ko ‘yan sa abugado ko. Nasa will ko rin ang mga anak ko,siyempre.

"Alam mo dapat ganun ka, e. Kasi kawawa yung [magmamana,kung nag-iisa] magbabayad ng tax. Ang laki! Milyun-milyon," sabi pa ni Willie.

"Tapos at the same time, ang masakit niyan, magkakagulo‘yan, agawan. Nakaburol ka, nag-uusap-usap ang mga anak mo dahil sa mana. E,para sa kanila naman ‘yan. Pantay-pantay ‘yan, e. Hindi porke ikaw angpanganay, mas malaki sa ‘yo. Kapag nagkaanak pa ako nang nagkaanak, ganun din.Part pa rin sila noon," paninigurado ni Willie tungkol sa kanyang mga tagapagmana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, apat na ang anak ni Willie, former child actressMeryll Soriano, ang anak niya kay Liz na si Juamee (Juan Emmanuel), at sadalawang non-showbiz girls na isang taga-Cavite, at isang taga-Baguio.

LARA, MR. HOUSEWIFE MATERIAL?Samantala, tuloy na tuloy na ang pelikulang iko-co-produce niya with OctoArtsFilms na Mr. Housewife. Suggestion namin kay Willie, ang co-host niya saWowowee at natsitsismis na type niya na si Lara Quigaman ang kunin niyabilang leading lady.

"Alam mo si Lara, masarap lokohin. Parang aloof, parangmanhid na ano...pero ngayon, okey na siya, ha," simula muna ni Willie about theMiss International 2005 title holder.

"Nung una, parang bawal hawakan, bawal lokohin. But now,game na siya. Nagre-relax na siya. Yun ang importante sa noontime show, e.Lively ka dapat, masaya ka. Hindipuwedeng kimi rito, e. Kasi pinapasaya mo ang tao."

Willie went on to say na nagagandahan talaga siya kayPrecious Lara. At ang tipo raw ni Lara talaga ang "wife material."

"Kahit sino naman sigurong babae pang-wife material. Peroyung tipo kasi ni Lara na parang hindi naman nakakalat, kapag nakita mo,trabaho lang. Kahit ako, ayoko ng nightlife, e."

Kung pang-wife material si Lara, ano naman si Cristine?Hindi ba siya pang-seryosohan din tulad ni Lara?

"Hindi," buwelo muna ni Willie sa muli naming pagtatanong sakanya tungkol kay Cristine, in another attempt na paaminin siya kung meron ngasilang "something special" ng kapatid ni Ara Mina. "Seseryosohin mo lahat ‘yan.Kapag na-in love ka siyempre kahit hindi pa si Cristine ‘yan, kahit sino pa,‘di ba? Pare-pareho lang naman ‘yan."

WILLIE THE GAMBLER?Kamakailan, binato na naman ng intriga si Willie tungkol sa pagsusugal sacasino. Napagbintangan si Willie na pumupunta sa casino sa Tagaytay kasama ang composer na si Lito Camo atsi Direk Edgar "Bobot" Mortiz.

"Ano ang gagawin ko sa casino. Diyos ko!" medyo iritablengbulalas pa ni Willie. "Anong sugal?Marunong ako, konti-konti. Yung mga ganun-ganun lang naman ‘yon," sabaymuwestra niya na parang nagbabalasa ng baraha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa pag-big lang ako sumusugal. Lagi akong talo. Kawawa ngaako, e. Alam n'yo ba, laspag na laspag na ako?" birong seryoso ni Willie saamin.

"Alam ninyo kung sinuman ang gumagawa niyan, wala ‘yan,"tukoy ni Willie sa tsismis. Sinisiraan lang daw siya ng tsismis at kesamagsugal ay itutulong na lang niya sa mga nangngailangan ang perang sasayanginsa pagsusugal.

INSPIRED BY OPRAH."Basta ako, ang importante yung staff, maging masaya. Kamukha niyan, kapagsobrang blessed ka, isi-share mo sa kanila. Magbabakasyon so, kahit paano[bibigyan ng baon].

"Alam mo pinanood ko kasi yung Oprah, yunganniversary nila. Alam mo, ibang klase ‘to. Sinorpresa niya ang buong staffniya, sabi niya, staff meeting daw sila, ‘tapos sabi niya, ‘We've been togetherfor 20 years,' ganun-ganun. ‘So ok, I will tell you this, I have a surprise foryou all: Everybody is going to Hawaii!'Lahat-lahat. Pero walapa yun. Maya-maya sinabi niya, ‘And you can bring your family.'

"Tumawag yung staff niya sa mga kamag-anak nila, umiiyakhabang kausap. Nakaka-touch. Nung napanood ko parang nabigyan mo ng kasiyahanyung mga tao.

"Ako, ginagawa ko ‘yan. They deserve that. Kasi sobrangblessed ka ‘tapos ganito pa ba [ang Wowowee staff] ang dapat mongtipirin? Syempre pader ko ‘yan, e. Diyan ako nakasandal."

Bago mag-Holy Week, busy si Willie sa pagti-taping ngkanyang show kaya madalas alas-nuwebe na siya ng gabi umaalis sa ABS-CBN. Atkahit walang taping, regular na raw sa kanya ang gano'ng oras ng pag-uwi.

"Tulog na ako ng nine o' clock dito [sa Wowoweedressing room niya]. Nagre-rehearse ako, Nag-iisip ng mga ideas. Kaso may bagoakong kanta, yung Ibigay Mo Baby.'

"Fifteen weeks number one sa Odyssey [Records]. Nung unahindi ako naniniwala. Sobrang tuwa ko at laking pasasalamat ko sa lahat ngtumangkilik ng album ko."

Nag-e-expect pa ba siya ng mas matitinding intriga nadarating sa kanya?

"Handa na ako sa lahat ng mga darating, Ang ano ko lang,huwag akong magkasakit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN