Ai-Ai delas Alas slapped with perjury by man she charged of mauling her son

"Ah, natural langnaman yun kasi wala naman silang puwedeng isampa na counter kundi yun. Yun angpinakamababang uri ng counter," states Ai-Ai delas Alas about the countercharge she got from the man she earlier charged for allegedly mauling anddetaining her son.


Ngayong araw, March 19, muling dininig ang kasong isinampani Ai-Ai delas Alas laban sa lalaking nanakit diumano sa kanyang menor de edadna anak na lalaki. Nangyari ang pambubugbog umano sa loob ng isang conveniencestore kung saan nagtatrabaho ang lalaking akusado. Ito ang pangalawangpagkakataon na makakaharap ni Ai-Ai ang lalaking idinemanda niya.

Noong una nilang paghaharap, hindi kinaya ni Ai-Ai na tingnanang mukha ng taong sangkot sa pananakit umano sa kanyang anak.

"Hindi ko pa siya nakikita kasi hindi ko siya tinitingnan.Mga kasama ko lang ang nakakakita sa kanya at sa picture niya sa NBI [NationalBureau of Investigation] ko lang siya nakita. And, para wala na rin akongmagawa at masabi na hindi maganda, kasi kilala ko ang sarili ko, so, iiwas nalang ako," pahayag ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal) lastSunday sa taping ng ASAP 08.

Sa mismong pagdinig ngayong araw na ito, muli na namangpinili ni Ai-Ai na huwag tingnan nang harapan ang lalaking idinemanda niya.

Nalaman din ng PEP from Ai-Ai na nag-counter charge pala ngkasong perjury o pagsisinungaling under oath ang lalaking idinemanda nila.

"Oo, lahat kami," kuwento ni Ai-Ai. "Ah, natural lang namanyun kasi wala naman silang pwedeng isampa na counter kundi yun. Yun ang pinakamababang uri ng counter."

Kinumusta namin ang kalagayan ngayon ng anak niya.

"Normal life naman. But still, bata yung nasaktan. And hindilang yun, nahusgahan, alam mo na. Hindi naman lahat ng tao para sa akin...Siyempre yung iba hindi naman nila alamyung totoong nangyari. So, yung kanila, bali-balita na lang."

AI AI AND KC. On a lighter side, pinakuwento naminsi Ai-Ai sa first encounter nila ni KC Concepcion sa taping ng I Am KC.

"Adopted daughter ko siya. ‘Tapos mahilig siyang sumali sabeauty contests kasi gusto niyang mag-artista. Ayoko siyang suportahan kasinatatakot ako na makita siya ng tunay niyang magulang," pagsa-summarize ni Ai-Ai ng role niya at kuwento ng episode nila ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitaan naming personal choice daw siya ni KC at favoritetalaga siya ng anak ni Megastar SharonCuneta.

"Oo, ang tawagan nga namin ‘Faves,' dahil favorite namin angisa't isa. Yun ang tawagan namin sa taping. Akala nga nila, ‘Babes,'"natatawang pahayag pa niya.

Ano'ng masasabi niya kay KC?

"Si KC, napalaki ng tama ng mommy niya. Napakabait na bata.Napakabuti. Sana hindi siya magbago. Napakagalang at napaka-professional ngbagets. And in fairness, ang taba ng luha niya. Parang gripo kung umiyak yungbagets."

Paano niya ira-rate si KC bilang artista?

"Ah, magaling si KC as a newcomer. Mga eighty percent siya para saakin."

Pagkatapos ng episode ni Ai-Ai sa show ni KC, may niluluto naraw proyekto ang ABS-CBN na pagbibidahan niya ulit kasunod ng Volta.

"Hindi siya pantaserye ulit. Ah, soap opera," sabi niAi-Ai sa amin.

Tulad ba ng Bituing Walang Ningning?

"Oo, parang ganun, dramady. Hindi pa puwedeng sabihin kungsino ang makakasama, e."

Nalaman din naming may gagawin pala siyang pelikula with Joseph Estrada. Kelan naman ang shooting?

"Ah, sa May pa yata. Tatapusin ko muna yung kay Robin[Padilla]."

COMPARING BINOE AND ERAP.Speaking of Robin, nasulat daw na may sakit sa sikmura diumano ang action star.Kumalat tuloy ang tsismis na naapektuhan nito ang amoy ng kanyang paghinga.

"Wala, huh! Mabango si Robin Padilla," depensa ni Ai-Ai sakanyang leading man.

Kung masarap at mabango si Robin, ano naman ang lasa ng lipsni Erap na nahalikan na niya bago pa man sila magsimulang mag-shooting?

"E, smack lang yung kay Papa Erap. Pero malambot ang lips niPapa Erap, in fairness," madiing sabi pa ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN