Director Wenn Deramas denies falling out with comedienne Eugene Domingo

Box-office director Wenn Deramas (left) clarifies reports that he and comedienne Eugene Domingo (right) had a falling out. "Not true at all," he says.



There is no falling out between box-office director Wenn Deramas and his lucky-charm discovery Eugene Domingo.

Sa blind item kumalat ang balitang may di-pagkakaunawaan sina Direk Wenn at Eugene. Si Direk Wenn ang naka-discover kay Eugene and he considers the comedienne his lucky charm dahil lahat ng projects ni Wenn ay kasama ang comedienne at lahat ay kumikita sa takilya.

Hindi naging malinaw kung ano supposedly ang hindi nila pagkakaunawaan. Ang naging basehan lang ng kuwento, makakasama si Eugene sa upcoming GMA Films movie na ITALY (I Trust And Love You) together with Jolina Magdangal, Rufa Mae Quinto, Mark Herras, Rhian Ramos, and Dennis Trillo na ididirek ni Mark Reyes. Si Wenn naman, may pelikula for Viva Films starring Ai-Ai delas Alas and Robin Padilla titled Ikaw Pa Rin (Bongga Ka, Boy!).

Although freelancer si Eugene, nakagawa na rin siya ng pelikula for other film companies—like Regal Entertainment's Bahay Kubo, Maverick Films' Katas ng Saudi, and several independent movies like Pisay and Foster Child. Staunch Kapamilya naman si Direk Wenn having done movies and TV shows for the Lopez-owned network. So it's highly intriguing for Direk Wenn's lucky charm to do a movie with the film arm of ABS-CBN's rival.

In the middle of the get-together dinner with manager Shirley Kwan sa isang restaurant sa Tomas Morato noong Holy Tuesday, March 18, nakatanggap kami ng call from an unregistered number—si Direk Wenn. Hindi raw totoo na may falling out sila ni Eugene.

"Not true at all. Magkasama nga kami ngayon, e, " sabi ni Direk Wenn over the phone. "Nabulabog ang mga kaibigan namin. Tawagan nang tawagan kung totoo ngang magkaaway kami ni Uge [palayaw ni Eugene]."

We explained to Direk Wenn na isa lang kami sa mga nag-blind item nito. Ngunit ayon sa kanya, tukoy na tukoy naman daw kahit blind item. We used the descriptions "box-office director" and "intelligent comedienne" to refer the two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Katunayan, I'm starting ng pre-production of a soap [in ABS-CBN] at kasama siya [Eugene]," pagbabalita pa ni Direk Wenn.

We asked Direk Wenn kung bakit hindi kasama si Eugene sa Viva movie nina Ai-Ai at Robin and it turns out, kasama rin pala ang comedienne. Maybe dahil parehong napakalaki nina Ai-Ai at Robin, tila nakalimutan sa mga press release ang inclusion ni Eugene sa cast. Pinsan siya ni Robin sa pelikula.

As to the GMA Films movie ITALY, freelancer nga raw si Eugene so she can do anything, anywhere. Again, nakalimutan na naman na this is not her first movie for GMA Films dahil may special appearance na rin siya sa 2006 Valentine movie ng GMA Films co-produced by Regal, ang The Promise starring Richard Gutierrez and Angel Locsin.

Nang kumalat ang balita, hindi namin in-include sa blind item namin na may balitang lilipat na rin daw si Eugene sa GMA-7. But we asked Direk Wenn about this.

"Hindi rin totoo, kasama nga siya sa bago kong soap," sagot ng direktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN