Indie docu-movie about Robin Padilla in the works

An independent documentary about Robin Padilla is in the works, with discoverer and former manager Director Deo J. Fajardo directing the movie.


Tinatapos ngayon ni Direk Deo "Dikong" Fajardo ang isang documentary tungkol sa buhay ng kanyang naging alaga na si Robin Padilla. Ito ay ang indie movie Paano Ginawa ang Isang Robin Padilla.

Ang gumaganap bilang si Direk Deo ay ang character actor na si Richard Quan. Si Dikong mismo ang kumausap sa kanya para gumanap sa kanyang role.

"Pinag-aralan ko ang mga kilos ni Direk Deo. Pati na ang paraan ng pananalita niya para credible naman ang pagganap ko. Sa pakikipagkuwentuhan ko kay Direk Deo, marami akong nalaman na kuwento tungkol kay Robin. Makulay pala talaga ang buhay niya at, siyempre, saksi roon si Direk Deo."

Suportado nga raw ni Binoe ang project na ito at tumutulong din siya sa pag-produce nito. Ang pakiusap lang daw ni Binoe ay walang idadagdag sa istorya niya nang hindi niya nalalaman.

"Ang gusto raw kasi ni Binoe yung kung paano siya nakilala at sumikat bilang isang artista. Ipapakita rin dito yung mga hirap na pinagdaanan ng pamilya nila noong bata pa siya. Maraming matututunan sa mga nangyari sa buhay ni Binoe sa docu-film na ito," dagdag pa ni Richard.

May mga interviews sa mga taong nakakakilala kay Binoe noong hindi pa ito artista at sa mga artista na naging kaibigan na nito sa loob ng matagal na panahon.

May planong ipasok sa isang international festival for indie films ang Paano Ginawa ang Isang Robin Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN