Rufa Mae Quinto plans to merge Victory celeb members from rival networks into one group

Rufa Mae Quinto attributes her positive outlook in life to her being a member of the Victory Christian Fellowship.


Sa presscon pa rin ng Manay Po: Overload, since babymaker ang role ni Rufa Mae Quinto roon ay paulit-ulit ang tanong sa kanya ng mga nagsidatingan at umalis na press people kung kaya niya nga kayang maging babymaker in real life.

Ang laging sagot ni Rufa Mae, hindi niya pinangarap—kahit kailan o sa kahit magkanong halaga—na maging babymaker para sa kahit kanino.

"Ni dyowa ko nga noon, hindi ko binigyan ng baby, ibang tao pa?" pabiro pang dagdag ni Rufa Mae habang itinatanggi ang tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Pero sa nangyayari sa love life niya ngayon, may posibilidad bang "bumigay" siya't magka-baby sa steady date niya ngayong si Bobby Lopez?

"Anong bumigay? Binigay na," napahalakhak pa pagkatapos si Pchi, pero binawi agad na nagbibiro lang siya. "Bumibigay-bigay na rin... Hindi. Ang gusto ko talaga, if ever magkaka-baby ako, yung sa maayos na paraan. Kasal muna. Kahit ganito naman ako, gusto ko naman maayos ang buhay ko. Kung ano yung mga puwede ko pang iayos sa buhay ko, aayusin ko."

Nilinaw ni Pchi na hindi pa naman talaga niya boyfriend si Bobby Lopez, kundi steady date pa lang. "Since December, ‘tapos nitong February. Yun, pa-date-date pa lang kami. Wala pa namang masyadong seryoso, just getting-to-know lang muna."

By this time, as she revealed during her interview last Friday sa presscon ng Manay Po 2: Overload, nasa China na ngayon si Pchi taking her much-needed break from showbiz at para makita na rin ang kanyang latest inspiration na doon naman ngayon nag-o-audit.

VICTORY MEMBER. Kuwento rin ni Rufa Mae, ang dahilan din ng pagiging positibo niya at pagnanais na maayos ang buhay niya ay ang pagiging seryosong Born Again Christian since last year.

"Every Sunday, nagpapa-Bible study ako sa bahay namin. Nag-member na ako ng Victory [Christian Fellowship]. Since last year pa. Matagal na namang maayos ang buhay ko, pero dahil artista tayo, may mga bagay talaga na magpapagulo, so kung ano pa yung puwedeng iayos, iaayos ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga raw noong dumarating ang mga intriga't panlilibak sa kanya noon ay ‘di niya masyadong pinapansin at ‘di siya gumaganti ng tirada, kahit na below-the-belt pa ang mga tira sa kanya. Pina-practice niya lang daw ang pagiging mabuting Kristiyano.

Marami-rami na ring celebrities ang members ng Victory Christian Fellowship, among them, ABS-CBN's Piolo Pascual na very vocal sa kanyang faith. Gusto nga ni Pchi na i-merge ang stars from GMA-7 at ABS-CBN into a single group para nga naman makita na kahit magkalaban ang management ng dalawang network na kinabibilangan ng mga artistang miyembro ng church nila, ay magkakasundo naman sa faith at pag-celebrate sa kadakilaan ng Panginoon.

"Yun nga ang gusto ko. Para naman may pagkakaisang makita, na hindi naman porke magkalaban na istasyon, makita rin ng mga tao na magkakaibigan, magkakasundo naman talaga kami, kasi mga Kristiyano kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN