Erik Santos already met ex-GF Rufa Mae Quinto's new inspiration

Erik Santos expressed good wishes for his former girlfriend Rufa Mae Quinto who has found a new love. "I want to be happy for her. And, ah, sana maging successful na yung relationship niya ngayon and lahat ng wish ko sa kanya ay maganda."


Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksyon ni Erik Santos sa paglantad ng ex-girlfriend niya na si Rufa Mae Quinto sa bago nitong inspirasyon, ang 33-year-old Mexican-American executive na si Robert "Bobby" Lopez.

"Ayokong mag-comment," natatawang pahayag nung una ni Erik. "I want to be happy for her. And, ah, sana maging successful na yung relationship niya ngayon and lahat ng wish ko sa kanya ay maganda."

MEETING BOBBY. Kilala niya ba ang bagong date sa ex-girlfriend niyang si Pchi?

Actually, we met na. Si Bob? Mukha naman siyang mabait. Sa birthday ni Mama Daisy [Romualdez] kami nag-meet. I was invited but I didn't expect na magkikita-kita kami noon. Pero okey naman. Ano naman, medyo akward yung feeling pero okey lang, okey lang siyempre."

So ipinakilala pala ni Rufa Mae sa kanya si Bobby?

"Hindi," nakangiwing sagot ni Erik. "Ang nagpakilala sa akin doon kay Bob si Mama Daisy."

Hindi niya raw alam kung bakit hindi si Rufa Mae ang nagpakilala sa kanya kay Bobby. Tila wala yatang planong ipakilala ni Rufa Mae sa kanya si Mattel guy?

"Ah, hindi naman. Uhm, siguro ano lang, kasi okey naman siya. Single, available, at wala namang masama roon."

SEPARATE LIVES. Pero marami ang natuwa sa eksena nila ni Rufa Mae sa huling major concert niya sa Araneta Coliseum with Sarah Geronimo, Christian Bautista, and Rachel Ann Go, kung saan nagkaiyakan pa sila habang kumakanta si Erik. Inisip ng mga nakakita na mahal pa rin ni Rufa Mae si Erik.

"Hmm...hindi ko alam, e. Ewan ko. Siguro ano, kasi siyempre, siguro mas tsine-cherish lang namin yung pinagsamahan namin."

Matagal naman bago nakasagot si Erik nang tanungin namin siya kung mahal pa rin niya si Pchi hanggang ngayon.

"Hindi...Hindi naman," may pagka-awkward na sagot ni Erik na tila naghahanap pa ng puwedeng sabihin. "Ano lang, gusto ko lang maging masaya para sa kanila. Ngayon, okey naman ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsasalita ni Erik, na-sense naming tila may kurot sa puso ang sinabi niya na animo, dumaan lang sa ilong, meaning hinahanapan namin ng sincerity ang pagsasabi niyang gusto niya lang maging masaya for Rufa Mae at sa lalaking umaagaw ngayon ng atensyon nito. Naka-move on na ba talaga si Erik after Rufa Mae?

Napabuntung-hininga muna si Erik bago sumagot, "A bit, a bit."

Ibig bang sabihin nito ay nakasabit pa rin sa puso niya si Rufa?

Napangiti naman ngayon ang binatang singer sa amin bago nagsalita, "Kayo talaga, nakapag-move on na ako. Okey na ako."

Looking at Erik, hindi mo masabi kung talagang napagdaanan na niya si Rufa Mae o kung may katiting pa rin ng pagmamahal ito sa dalagang komedyana. Umaasa pa ba siyang magkakabalikan sila ni Rufa Mae?

"Mahirap nang umasa. Kasi ano na, may kanya-kanya na kaming ano ngayon, e, kumbaga... ‘tsaka iba na. Iba na yung situwasyon."

Kahit ba noong wala pa sa picture si Bobby, wala talaga siyang pagnanasang magkabalikan sila uli?

"Hindi, hindi," tanggi ni Erik. "In the first place, actually, napaghandaan ko na rin in a way na sooner or later magkakaroon talaga siya ng ibang karelasyon. Kasi, ‘di ba? Kailangan niya yun sa buhay niya," referring to Rufa Mae's need to be with someone para makapag-unwind at matakasan ang pressures ng showbiz life.

How about him?

"Ay, wala. Ano lang ako, kumbaga mas mature lang ako ngayon kasi naiintidnihan ko na kung ano ang nangyayari sa buhay-pag-ibig ko. Hindi ko talaga priority ngayon ang pag-ibig. Kung may dumating, e, di dumating. Kung wala...wala."

So this means wala siyang current apple of the eye ngayon o nililigawan man lang?

"Uh, ngayon, wala naman. Wala akong ina-eye. Actually, excited ako sa U.S. tour ko starting May 2. Three weeks lang ako. With John Prats, Pooh, Sheryn Regis, at Dennis Laurel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING SARAH. Since napag-usapan na rin naman ang abroad, medyo sinundot namin ng pangkiliting tanong si Erik. Kung may nami-miss ba siyang someone na nasa abroad?

"Si Sarah," banggit niya sa pangalan ng kasama niya sa recent concert niya. "Nami-miss ko si Sarah. Actually, silang lahat na umalis, nami-miss ko."

Marami rin talaga ang nakapansin sa huling concert nila nina Sarah, Rachel Ann, at Christian, ang magandang chemistry nila ng pop star. Kitang-kita rin ang madalas na pag-akbay sa kanya ni Sarah at pakikipag-holding hands ng matagal. At noong lumapit, saka binati ni Erik si Rufa Mae sa audience, biglang bumitiw si Sarah sa kanya, sabay distansya.

May naaamoy ba kaming romance sa kanila ni Sarah? Siya na ba ang next girlfriend?

"Ay, hindi naman natin masasabi 'yan. Ako, I take my time. Ang focus ko ngayon is yung career ko talaga," iwas ni Erik, sabay pasok sa dressing room ng ASAP 08.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN