Mark Herras ignores "motel" non-issue about him and Iwa Moto

"Hindi ko na lang pinapansin, mawawala rin at lilipas dinnaman yung issues na yan, lalo na`t ‘di naman totoo. Hihintayin ko na lang kungano ang susunod," says Mark Herras about rumors thrown at him, including thelatest which involves Joaquin Bordadoco-star Iwa Moto.


Loveless ngayon si Mark Herras, ayon mismo sa kanya.

"Siguro trabaho muna ngayon, ‘tsaka na ang love life. Masyadokasi akong busy sa trabaho kaya alam kong wala rin akong time para magkaroon nglove life," ani Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Busy nga sakanyang trabaho ngayon ang binatang unang StarStruckUltimate Male Survivor, at isa sa mga pinagkakaabalahan niya ay ang Joaquin Bordado ng GMA-7.

"Basta ang motto ko ngayon, trabaho muna, bago pag-ibig. Perominsan, nakaka-miss rin na wala kang inspirasyon, pero medyo matagal-tagal narin namang wala akong karelasyon at naka-survive ako, kaya alam kong kaya ko.

"Basta masaya ako ngayon sa career ko, kasi maramingprojects ang dumadating sa akin. ‘Tapos yung show namin na Joaquin Bordado, mataas ang rating, kaya naman mas inspirado kamingmas pagandahin pa yung mga susunod na episodes ng show namin."

Kaya kahit sa mga issues at intriga about him, dedma langsi Mark, hindi niya iniintindi. Kumbaga, sanay na siya. Ang importante, siyaang nakakaalam ng katotohanan every time may intrigang lumalabas against him.

"Sa akin kasi, hindi na bago ang matsismis, hindinaman kasi ako nauubusan ng issue. Pagkatapos ng isa, may darating na namangisa pa at isa pa," natatawa pa niyang sinabi.

"Hindi ko na lang pinapansin, mawawala rin at lilipasdin naman yung issues na yan, lalo na`t ‘di naman totoo. Hihintayin ko na langkung ano ang susunod.

"Basta kung ano yung sinasabi ko, yun ang totoo at pawangkatotohanan lamang," birong-totoo pa niyang pahayag.

MOTEL ISSUE. Tulad na nga ng "motel issue" nila ni Iwa Moto. May kumalatkasing tsismis na may nakakita kina Mark at Iwa na nanggaling umano sa isangmotel, prompting further ang makakating-dila na mag-isip na may nangyaringmilagro sa kanila sa loob ng motel.

"Nagulat nga ako nang lumabas yung tsismis na nakita raw onahuli kami ni Iwa na pumasok sa motel. Malabong mangyari yun, dahilbarka-barkada lang kami nina Iwa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nga silang relasyon, kakilala pa nga ni Mark si MichaelAblan na espesyal na lalaki sa buhay ni Iwa ngayon, kaya imposibleng mag-motelsila ni Iwa.

"Baka naman ibang tao yun, o kaya kamukha lang namin ni Iwa atnapagkamalang kami," sabay halakhak ng tinaguriang Bad Boy of the Dance Floor.

"Bakit naman sa dinami-dami ng lugar na pupuntahan namin, samatao pang lugar kami pupunta katulad ng motel na sinasabi nila? Alam namannaming public property kami at maraming nakakakilala dahil artista kami. Malabo talaga yun, kahit kailan,‘di ko gagawin yun.

"Hindi naman kasi kami laging lumalabas ni Iwa, if ever nalumabas kami, group gimmick yun at hindi yung dalawa lang kami, dahil may mgakasama kami.

"At hindi kami sa motel pumupunta. ‘Tsaka lately kasi, hindirin ako masyadong nakakalabas, kasi sunud-sunod ang trabaho ko, kaya sa sobrangbusy nakakalimutan ko na'ng gumimik kasama ng barkada."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN