Mark Herras volunteers to be a godfather of Jennylyn Mercado’s baby

"Dapat ninong ako diyan, sabi ko sa kanya. Magkakagiyera kapag hindi ako ginawang ninong," jokes Mark Herras about his desire to be the godfather of ex-girlfriend Jennylyn Mercado's baby.


Can Mark Herras get his wish to be a godfather to Jennylyn Mercado and Patrick Garcia's baby?

Hindi sunburned si Mark nang makita namin siya sa Station 168 Internet Café last Black Saturday night. Kauuwi pa lang nila nina Paolo Contis and Isabel Oli na nagsabay pumunta sa Boracay to spend the Holy Week. Kuwento niya sa amin, mayroon ding Station 168 sa Boracay and he gets to play rin kaya lang wala siyang ibang nakalaro ng kinahihiligan niyang on-line role playing game na DOTA (Defense of the Ancients).

Mark also observed that compared sa mga naririnig niya about Holy Week and Boracay, very tame daw ang tropical paradise na ito dahil mostly private parties ang ginawa and although he is invited to most, he decided to just enjoy the sun, sand, and sea.

NINONG WANNABE. Afterwards, napagkuwentuhan namin ang huling pagkikita nila ni Jennylyn sa SOP the other Sunday.

"Ang laki na ng tiyan niya, grabe, biglang lumaki," bulalas ni Mark.

The last time daw kasi prior to this meeting, parang wala pang ka-tummy-tummy ang dati niyang girlfriend and love team kaya't nagulat siya nang bigla itong lumaki.

"Dapat ninong ako diyan, sabi ko sa kanya," sabi pa ni Mark sa kanyang dating kasintahan na si Jennylyn.

Tinanong namin si Mark kung papayag kaya si Patrick sa kahilingan niyang maging ninong sa anak nila ni Jennylyn. "Magkakagiyera kapag hindi ako ginawang ninong," patawa niya.

Seriously though, siguro naman daw walang magiging problema sa kanila ni Patrick kung sakali ngang maging ninong siya sa anak nito at ni Jennylyn.

"Kami naman talaga walang problema, lalo na kami ni Jennylyn."

Tinanong namin si Mark kung nagbigay pa ulit siya ng gatas kay Jennylyn, hindi na raw dahil ayaw na niyang makagawa pa ng intriga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN