Richard Gutierrez and KC Concepcion’s endorsements hinder the making of their first movie

Aside from belonging to rival networks, both Richard Gutierrez and KC Concepcion endorse products that cannot be seen in one frame together.


Like the love story of Romeo and Juliet, maraming sagabal ang hinaharap ng first possible movie pairing of Richard Gutierrez and KC Concepcion.

After officially magpadala ng feeler ang GMA Films sa Star Cinema for a possible co-production para mapagtambal ang dalawang young showbiz royalties na sina Richard and KC, quiet na munang lahat ang both camps dahil nag-aantayan na lang ng magiging outcome. No word pa rin naman ang Star Cinema if they are open to this and tahimik na rin ang GMA Films para hindi raw ito maunsiyami.

Sa isang dinner with the press during Holy Week, isa si Shirley Kwan, co-manager ni KC, sa mga gustong matuloy ito but she reminded the press na napakaraming hurdles and challenges na dapat madaaanan to make this happen. Hindi lang kasi sa mother TV station nina Richard and KC ang naglalaban kundi pati sa mga personal endorsements nila.

Richard is a Kapuso artist, exclusive both to GMA-7 and to GMA Films. Si KC naman ay isang exclusive ABS-CBN talent just like her mother Sharon Cuneta and has, in principle, agreed to be an exclusive Star Magic artist din.

Sa damit, Richard is endorsing Bench samantalang Bayo naman si KC so they must be with their signature brands in the film kung matutuloy ito. Dati, under one clothing company sila back when KC was with Human na isang label ng Bench.

Hindi sila puwedeng ipakitang maliligo dahil Richard endorses Head and Shoulder shampoo samantalang Palmolive naman ang ibinibenta ni KC.

Mahirap ding magkaroon ng telephone conversation ang dalawa sa pelikula since Richard promotes Smart and KC is a Globe endorser.

Kung magpapakita raw ng medicine and vitamin, Richard must have Advil at si KC naman ay Enervon.

Most importantly, hindi sila puwedeng manood ng TV unless both GMA-7 or ABS-CBN ang pinapanood nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN