Rochelle Pangilinan denies reports that she will get married soon

Rochelle Pangilinan stars in the 18th season of Daisy Siete titled Prince Charming and the 7 Maids.


Pinabulaanan ulit ni Sexbomb girl Rochelle Pangilinan ang mga balitang ayaw na nitong magbida sa kanilang afternoon drama series na Daisy Siete. Sa launch ng ika-18th season ng naturang show titled Daisy Siete: Prince Charming and the 7 Maids, muli na namang bida ang pinakasikat na Sexbomb Girl.

Sa kanyang role ay pinapangit muli si Rochelle na mala-Betty La Fea. Pero may mga eksenang gaganda siya at pag-aagawan ng tatlong Prince Charming na ginagampanan nina Tariq, Sean, at Mark.

"Ilang beses ko namang sinasabi na hindi ako aalis ng Daisy Siete unless si Ate Joy [Cancio, ang kanilang manager] ang magpaalis sa akin," sabay tawa ni Rochelle.

"Kapag sawa na si Ate Joy sa pagmumukha ko at sinabi niyang hindi na ako magbibida dahil matanda na ako, doon lang ako mawawala sa show. Pero since mahal na mahal pa ako ni Ate Joy, heto at bida ulit ako sa ika-18th season namin."

Bali-balita kasing ikakasal na raw ngayong 2008 at mangingibang bansa na raw siya kaya iiwan niya ang grupo ng Sexbomb, pati na ang Daisy Siete.

"Hindi naman totoo ‘yan. Unang-una, hindi pa ako magpapakasal. Wala pa ‘yan sa mga plano ko. Sayang ang mga raket!" tawa niya ulit. "May Eat Bulaga at Tok, Tok, Tok pa kami aside sa Daisy Siete. Sayang naman kung mag-aasawa ako agad.

"Tsaka, hindi ba kakamatay lang ng father ko last year, wala pang one year iyon, e. Kaya hindi talaga puwede. Magbabang-luksa muna kami, ‘di ba?"

"Nagugulat ako kung saan nanggaling ang mga chika na ‘yan. Every time na lang na may may bagong Daisy Siete, may balitang aalis ako. Parati naman akong nakikita sa press conference, ‘di ba?"

Marami ang nakapansin na ang wala sa cast sa bagong season ng Daisy Siete ay si Jopay Paguia. Last season ay nag-beg-off nga raw muna ito na mapasama sa show dahil napagod ito nang husto sa pagganap niya sa Tabachingching noong season 16. Ngayon ay walang mention kung kasama siya sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro si Ate Joy na lang ang tanungin n'yo regarding kay Jopay. Wala kasi akong alam tungkol diyan. Ang alam ko ay dapat kasama siya sa cast. Ewan ko kung bakit wala siya," pagtatapos pa ni Sexbomb Rochelle.

Sa March 31 na ang simula ng Daisy Siete: Season 18 (Prince Charming and the 7 Maids) sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7. Ang iba pang kasama sa cast ay sina Alma Concepcion, Matthew Mendoza, January Isaac, Arthur Solinap, Lou Veloso, Joy Viado, Edgar Allan Guzman, Felix Roco, at ang Sexbomb Girls.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN