John Estrada arrested at international airport

John Estrada was busted when 15 bullets and a magazine for aGloc handgun were detected in his backpack at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) on March 20. Last year, he was held by aviation security in General Santos City Airport after cracking a "bomb joke" in front of airport personnel.



Tulad ng nangyari sa kanya noong nakaraang taon, nalagay nanaman sa alanganing situwasyon si John Estrada sa isang airport.

Last year, napasubo si John sa General SantosCity airport, nangpigilan siya ng aviation security police na sumakay ng eroplanong pabalik ngMaynila. Nagbiro kasi itong may dala siyang bomba sa kanyang bagahe. Noong mgapanahong iyon (at magpahanggang ngayon), mahigpit na ipinagbabawal angpagbibiro tungkol sa pagdadala ng bomba sa mga paliparan.

Ngayong taon namang ito, March 20, Huwebes Santo, sa NAIA (Ninoy AquinoInternational Airport),inaresto si John Estrada ng Philippine National Police-Aviation Security Group(PNP-ASG).

Ayon sa balitang lumabas sa Philippine Star ngayong araw, March 23, 2008, nahulihan si John sakanyang backpack ng labinlimang bala at isang magazine para sa 9 mm Gloc handgun.Wala namang handgun na nakita sa kanya.

Pasakay sana noon si John ng Malaysian Airways flightpapuntang Kuala Lumpur, Malaysia, kasama ang kasintahang Brazilian beauty queen turned model na si Priscilla Meirelles, actor Richard Gomez with wifeLucy Torres and daughter Juliana, at iba pang mga kaibigan, para manood nggrand prix racing doon. Nang dumaan sa final x-ray ng paliparan ang backpack niJohn ay doon nakita ang mga bala.

Ayon pa sa report ng PhilippineStar, walang maipakitang kaukulang papeles si John para sa mga bala. Kayatuluyan nang inaresto ang aktor at kinasuhan ng PNP-ASG, headed by SeniorSuperintendent Efren Labiang, ng "illegal possession of ammunitions" sa Pasay Cityprosecutor's office.

Nakalipad papuntang Malaysia sina Goma at iba pang mgakasama ni John, pero nagpaiwan si Priscilla para samahan ang inarestongboyfriend.

Ayon pa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) source,naposasan si John nang inaresto, at isinakay sa isang police vehicle, kasamaang mahigit sa apat na police personnel.

Nakuhanan naman ng pahayag si John habang sakay ng pasibadnang police vehicle. "It was an honest mistake," ani John sa mga humahabol nareporter.

JOHN THE JOKER. Nakausap ng PEP ang manager ni John na si Douglas Quijano kaninangalas singko ng hapon. At mula sa kanya, napag-alaman naming gumaan na angsituwasyon ni John mula noong Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Tito Dougs, nakaalis na nang sumunod na araw, Biyernes,sina John at Priscilla patungong Malaysia. Dinagdag pa ng batikangmanager, na tinawagan pa niya si John, Biyernes ng umaga, at nagbiruan pa sila.

Kuwento ni Tito Dougs, sinabihan pa niya ang alaga niya ng,"I-band-aid mo ‘yang bunganga mo, at check-in mong mabuti ‘yang bag mo, athuwag kang magdala ng kung anu-ano."

The joker that is John replied to Tito Dougs, "Hay,Dougs. Wala na akong dadalhin, maski na maleta, pati na damit, wala na.Magta-trunks na lang ako."

Balik naman daw ni Tito Dougs sa nagbibirong si John, "Sigeka, nang kasuhan ka naman ng indecent exposure!"

As of this writing, naghihintay pa rin ang PEP ng statementmula kay John hinggil sa latest na gusot na pinasok niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN