Yasmien Kurdi finds Robin Padilla hot

"‘Hello po. I'mYasmien po, fan ninyo po ako,' ganun. ‘I adore you. I find you hot,'" saysYasmien Kurdi on how she plans to approach Robin Padilla.


May pressure ngayon kay Yasmien Kurdi.

Hindi kasi biro ang show na papalitan ng bagong soap nilang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Maramiang nagsasabing mahirap tapatan ang taas ng ratings na inani ng Marimar habang nasa ere pa ito noon.

"Okey lang po, basta ako, just have confidence sa sarilininyo. Sa amin, magaling naman po yung director namin, yung writers namin, yungstaff namin, lahat ng artista, co-actors at co-workers ko.

"I just leave it all to God, hinahayaan ko na lang po sakanya, na without any second thoughts. Siyempre, ‘di ba, ‘pag nag-pray kayo athumiling kayo sa kanya, hindi na kayo mag-aalinlangan sa prayer ninyo? Kasiibig sabihin ganun yung trust ninyo kay God," pahayag ni Yasmien sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) recently.

ROBIN IS HOT. Inaminni Yasmien sa PEP na crush niya ang JoaquinBordado star na si Robin Padilla. In fact, kapag nag-krus daw ang kanilanglandas, lalapitan daw ito ni Yasmien at magpapakila siya.

"‘Hello po. I'mYasmien po, fan ninyo po ako,' ganun. ‘I adore you. I find you hot,'" kuwentoni Yasmien sa amin kung paano siya magpapakilala kay Binoe.

Sobra ang paghangani Yasmien kay Robin, lalo na sa pisikal na kaanyuan nito at pangangatawan. Aniya,kahit may asawa na at mga anak (na halos kaedad na raw niya) na si Robin,napanatili nito ang magandang pangangatawan, as shown in Joaquin Bordado.

"In-admire ko langtalaga na for his age hot pa rin siya, na daddy na siya, hot pa rin siya,"pahayag pa ni Yasmien.

HOW ABOUT JC? Dahilvocal siya sa paghanga kay Robin, hindi kaya magselos si JC na balitang ka-M.U.niya ngayon?

"M.U.? Yeah, I guess may understanding, kasi nag-uusap namankami sa phone, like nagte-text siya sa akin kung ano'ng ginagawa ko, ganun,normal. Pero bakit naman siya magseselos? Hindi yun magseselos," paniniguro pani Yas.

How about 'yong napabalitang flight attendant na boyfriend dawni Yasmien talaga? Baka iyon naman ang magselos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akongboyfriend. Wala po. Period."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN