JC de Vera on Yasmien Kurdi: "Hindi porke't magka-love team kami, kailangang maging kami."

"Hindi sa hindi kami magkasundo... Kung hindi kami magkasundo, e, disana hindi kami tatagal? Basta meron kaming personal differences naonce na pinilit mo, sasabog," explains JC de Vera on why he and Yasmien Kurdi are not yet a couple.


Sapagkat pangatlo nang tambalan nina JC de Vera at Yasmien Kurdi ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, na magsisimula ngayong gabi, March 24, hindi na napi-pressure si JC. Ang pinagkaiba nga lang daw ay sa primetime na sila ngayon mapapanood dahil pang-hapon ang Pati Ba Pintig ng Puso? at Pasan Ko ang Daigdig.

"Wala, e, dahil si Direk Joel [Lamangan] pa rin ang direktor namin at si Yas pa rin yung ka-partner ko," sabi ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "At yun nga, iba ang audience ng primetime. Pero yung confidence na dapat makuha namin, nakuha talaga namin ni Yas through our staff, director."

KISSING SCENES. Pabor naman si JC na ka-triangle nila ni Yasmien sa Babangon Ako't Dudurugin Kita si Marvin Agustin para raw mas lalong mahasa ang young actress by having different screen partners. Ayon sa young actor, makakatulong ito para makadiskubre si Yasmien ng bago at naiibang experience na ibang aktor ang kaeksena at kapareha, at hindi lang laging siya.

Wala naman dapat ikaselos si JC dahil di hamak daw na mas matagal ang kissing scenes nila ni Yasmien sa past projects nila kesa sa mga kissing scenes ng young actress kay Marvin. Dapat lang raw na mas matagal ang kissing scenes nila dahil sila naman talaga ang mag-partner. Hindi raw papayag si JC na mas matagal ang halikan nina Yasmien at Marvin.

Natatawang sinabi pa ni JC na lugi na nga raw siya dahil si Yasmien lang ang naka-kissing scene niya, habang si Marvin ay may intimate scenes sa tatlong babaeng kasama sa naturang drama program—sina Yasmien, Angelika dela Cruz, at Jenny Miller.

PERSONAL DIFFERENCES. Nang tanungin ng PEP si JC kung sino ang nililigawan niya ngayon, wala raw dahil wala naman siyang oras na makapanligaw sa sobrang busy ng kanyang schedule.

Nang tanungin naman kung bakit hindi pa rin niya dinidiretso ang panliligaw kay Yasmien para maging sila na at hindi hanggang mutual understanding lang ang namamagitan sa kanila, sinabi ni JC na may personal issues sila ni Yasmien na hindi niya kayang ipaliwanag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ng binata na walang kinalaman ang pagkakaiba ng kanilang religion—Catholic si JC, Iglesia Ni Cristo member naman si Yasmien—sa personal issues nila ni Yasmien.

"Hindi sa hindi kami magkasundo... Kung hindi kami magkasundo, e, di sana hindi kami tatagal? Basta meron kaming personal differences na once na pinilit mo, sasabog," paliwanag ni JC.

Hinihintay lang daw muna nilang mag-grow ang feelings nila for each other.

"Yung relax lang, be casual lang, walang pilitan na lang," sambit ni JC. "Kasi yun yung gusto ko sanang sabihin sa mga fans, na hindi naman totally kailangang maging kami talaga for our loveteam to work.

"Hindi porke't magka-love team kami, kailangang maging kami. Pero puwede naman naming ipakita sa show na kaya naming mag-work as loveteam. Magaling si Yas, kaya kong galingan. Puwede naman maging ganun. So yung tungkol sa pagiging kami, plus factor na lang 'yon siguro. Pero sa amin kasi, hindi issue sa amin ni Yas 'yon, e."

Pero aminado si JC na pareho sila ni Yasmien na kinikilig sa isa't isa kapag magkasama. Dahil may mga moments na malambing sa kanya si Yasmien, hindi mapigilan ng binata na kiligin kahit lalake siya. And yes, madalas nilang lambingin ang isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN