FIRST READ ON PEP: Paolo Bediones denies rumor that he will leave GMA-7

"Bakit ako lilipat? Halos nagawa ko na lahat ng gusto kong gawing showsdito [sa GMA-7] at lahat naman ng mga shows ko, top-rating lahat," says Paolo Bediones.



Sina Paolo Bediones at Pauleen Luna ang nag-host ng victory party ng GMA Network para sa Pambansang Kamao at first Asian World Superfeatherweight champion na si Manny "Pacman" Pacquiao kaninang lunchtime, March 24, sa executive lounge ng GMA Network Center.

Sinamantala na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang oras habang hinihintay si Pacquiao, na nag-guest pa nang live sa SiS, upang kausapin si Paolo. Nilinaw namin sa TV host ang isang blind item na nasulat, na tukoy na tukoy na siya ang binabanggit, na lilipat na raw siya sa ABS-CBN.

"Hindi ako lilipat," nakangiting wika ni Paolo. "Nagulat nga ako nang may tumawag sa akin before Holy Week kung ako raw ang nasa blind item. Plantsado na raw ang paglipat ko sa kabila [Kapamilya network]. Sabi ko, hindi ako ‘yon.

"Ang contract ko sa Tok! Tok! Tok! [his game show in GMA-7] ay hanggang May 2008 pa. Pero magpapahinga lang ito at magbabalik ito by August or September [after Pinoy Idol]. Dapat nga noon pang nag-one year ito, nag-stop na kami. Pero mataas ang rating, plus maraming natutulungan ang show kaya itinuluy-tuloy pa."

Patuloy niya, "Hanggang September 2008 pa ang contract ko dito sa GMA Network at every year ako nagre-renew ng contract. May nagtatanong nga kung pipirma ulit ako. Sabi ko, basta ba may offer ulit, di pipirma ako. Siguro iba pa rin ang loyalty and practicality. As long as may opportunity dito na ibibigay sila, bakit naman ako lilipat?

"Sa ngayon, I'm still waiting kung may bagong project kasi sunud-sunod din ang mga bagong game shows ng GMA-7. Marami ngang nagsasabi na bakit hindi gawin ulit ang Whammy, pero one season lang talaga ang contract ng GMA-7 sa Fremantle. Kung gusto nilang ibalik, nariyan pa naman ang mga props, hindi pa sinisira. Isa pa, busy si Rufa Mae [Quinto] ngayon, may concert abroad at may shooting pa siya abroad for GMA Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi rin naman ako nawawalan ng mga hosting jobs at corporate shows. My last hosting job, yung sa Binibining Pilipinas beauty pageant. Tuluy-tuloy pa rin ang taping ko ng Tok! Tok! Tok! In fact, after this [Pacquiao presscon], tutuloy na ako sa taping namin. Kaya bakit ako lilipat? Halos nagawa ko na lahat ng gusto kong gawing shows dito [sa GMA-7] at lahat naman ng mga shows ko, top-rating lahat," pahayag ni Paolo.

May offer ba naman ang ABS-CBN sa kanya?

"Dati may feelers," pag-amin niya. "But wala naman recently. Mahirap din kasi akong hagilapin lately dahil sunud-sunod ang trabaho ko. Saka ayaw ko namang magsabing may offer sila, kasi puwede naman nilang i-deny ‘yon."

TEN YEARS IN GMA-7. This year is the 10th year na ni Paolo with GMA Network.

"Actually, ang nag-open ng way sa akin talaga para makapasok dito ay ang paghu-host ko ng Binibining Pilipinas on March 15, 1998. First show ko rito ay ang Mornings at GMA on April 13, 1998, with Tisha Silang, Cher Calvin and Mon Isberto. Wala pa itong building na ito [GMA Network Center], ginagawa pa lang. February 15, 1999 naman ako nagsimulang mag-host ng reality show na Extra, Extra hanggang maging Extra Challenge, na hindi napataob ng 21 shows sa kabila na itinapat sa amin hanggang sa magsara na ito a few years ago."

HOLY WEEK WITH ABBY. Kumusta naman ang girlfriend niyang si Abigail Cruz? Magkasama ba silang nagbakasyon noong Holy Week?

"Okay ang relasyon namin, going strong," sagot ni Paolo. "Dito lang kami [sa Manila], hindi kami nagbakasyon. Family dinner lang kami lagi, either sa kanila o sa amin. Sa ngayon, busy rin naman siya sa mga TV guestings niya."

May wedding plans na ba sila ni Abby?

"Wedding plans? Madaling magplano, madaling pag-usapan, pero ‘yong may definite date na, wala pa," nakangiting pagtatapos ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN