Pauleen Luna's manager rejects villain role in "Dyesebel"

Young actress Pauleen Luna was supposed to be part of GMA-7's new fantaserye, Dyesebel, but her manager Lolit Solis rejected the role.



Nang mag-guest ang young actor na si JC de Vera sa Showbiz Central noong Linggo, March 23, ay tinanong siya sa "Killer Question" segment kung sino sa mga naging girlfriend niyang sina Pauleen Luna, Michelle Madrigal, at Aifah Medina ng SexBomb ang iniyakan niya nang husto nang makipaghiwalay siya. Ang sinagot ni JC ay si Michelle. Sobrang na-depressed daw talaga ang binata nang maghiwalay sila ni Michelle.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pauleen Luna kanina, March 24—sa presscon na ibinigay ng GMA-7 para kay Manny Pacquiao dahil sa pagkapanalo nito laban kay Juan Manuel Marquez—ay kinuha namin ang reaksiyon niya sa sagot ni JC. Sinabi ni Pauleen na napanood niya ang interview ni JC.

Ayon sa young actress, expected naman daw niya na it's either Aifa or Michelle ang pangalan na babanggitin ni JC dahil hindi naman daw talaga masasabing nagkaroon sila ng commitment or malalim na relasyon ng young actor.

"Nagtagal naman kasi sila ni Michelle, e. And I'm sure there are ups and down in their relationship," sabi ni Pauleen.

Wala ba silang ups and down noon ni JC?

"Wala," sagot ng dalaga. "Kasi yung sa amin ni JC, it's just purely puppy love. Hanggang text nga lang yun, e.

MISSING TELESERYE. May bagong serye ang GMA-7, ang Dyesebel. Si Marian Rivera ang magiging bida rito. Dapat pala ay makakasama rito si Pauleen. Gaganap siya bilang kontrabida ni Marian. Hindi nga lang tinanggap ng manager niyang si Lolit Solis ang naturang role.

"Hindi ko alam kung anong reason kung bakit tinanggihan yun ni Nanay Lolit," sabi ni Pauleen.

Matagal na rin namang hindi napapanood sa isang serye si Pauleen pagkatapos ng Zaido kaya aminado siyang nami-miss na rin niya ang paggawa ng mga ganitong klaseng palabas.

"Nami-miss ko na talaga ang serye. But you know, I'm patient. I'm not naman in a hurry. Kung wala namang tamang project na sa tingin ni Nanay Lolit na right one for me, e, di okay lang. Ano naman, e...I work six times a week sa Eat Bulaga," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkakaroon din ng seryeng Captain Barbell Meets Darna ang Kapuso network. Kung magkakaroon ng audition para sa role na Darna ay willing bang mag-audition si Pauleen?

"Lahat naman ng audition na pinapapuntahan sa akin, pinupuntahan ko. Malay ninyo, di ba? We can never say," sagot niya.

LIBERATED BOYFRIEND. Kung sakali, papayag ba naman ang boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian na mag-two piece siya sa isang TV series?

"Oo naman, wala namang pakialam yun," aniya. "He's a very liberated person. For him, ‘Do what you want, I trust you.'"

Liberated din ba siya gaya ng kanyang boyfriend?

"Not so much!" tawa ni Pauleen.

Bakit may balitang nag-break na sila ni Sherwin?

"Narinig ko nga yun. Hindi totoo yun. Magkasama nga lang kami kagabi. Family ko 'tsaka family niya."

Niyaya na ba siya ni Sherwin na magpakasal?

"Hindi pa. Malayo pa yun," sagot niya.

Kung halimbawa bigla siyang yayain, papayag ba siya?

"Ewan ko, I dont think about it now. We can be engaged but not married," ani Pauleen.

Ano ang isang bagay na magagawa ni Sherwin sa kanya na magiging dahilan para hiwalayan niya na ito at hindi na makipagbalikan pa?

"Mambabae," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN