Jinkee Pacquiao defends Pacman against detractors of his victory

"Para sa akin, masakit na marinig mo yung mga nang-iintriga, yungcomments nila na dapat daw si Marquez yung nanalo. Masakit para sa akinna marinig yun kasi ibinigay naman ni Manny yung best niya para manalo," says Jinkee Pacquiao about those who question her husband's victory over Juan Manuel Marquez.



Sa victory party at presscon na ibinigay ng GMA Network kay Manny Pacquiao kanina, March 24, ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao. Kinuha namin ang reaksiyon ni Jinkee sa pagkakapanalo ng kanyang mister laban kay Juan Manuel Marquez noong March 16 sa Mandalay Bay, Las Vegas, Nevada.

"Siyempre, masayang-masaya ako kasi nanalo na naman si Manny. Nakuha niya yung kanyang inaasam ngayon na [super featherweight] belt ni Marquez," bungad ni Jinkee sa 17th floor ng GMA Network Center.

THE DOUBTERS. May pahayag din si Jinkee tungkol sa mga nagdududa sa panalo ni Pacman laban kay Marquez via a split decision. Ayon kasi sa ilang Pinoy boxing experts, si Marquez daw dapat ang nanalo at hindi si Pacquiao.

"Para sa akin, masakit na marinig mo yung mga nang-iintriga, yung comments nila na dapat daw si Marquez yung nanalo. Masakit para sa akin na marinig yun kasi ibinigay naman ni Manny yung best niya para manalo.

"Dalawang buwan na wala siya sa pamilya, dahil sa pagpa-practice niya ng dalawang buwan, di ba? At nakita naman natin na panalo siya sa laban na ‘yon. So bakit pa kinukuwestiyon?" may hinanakit na pahayag ni Jinkee.

Ano ang mensahe niya para sa mga taong kumukuwestiyon at nang-iintriga sa panalo ni Manny?

"Hindi ko kasi alam kung may galit sila kay Manny or something... Ang message ko sa kanila, sana naman huwag ganun. Dapat nga tayong maging masaya na, e. Maging masaya sa narating ni Manny kasi nanalo siya, nakapagbigay ulit siya ng karangalan sa ating bansa, di ba? Dapat maging masaya na lang tayo," aniya.

A BOXER'S WIFE. Bilang asawa, ano ang naramdaman niya sa tuwing nakikipagsuntukan ang asawa niya sa boxing ring?

Ayon kay Jinkee, "Siyempre, natatakot ako na kung ano ang mangyayari sa laban. Siyempre kapag nakikita mo yung dugo, natatakot ka na. ‘Tapos ngayon ang pinaka-parang mahirap na pinagdaanan ni Manny sa itaas ng ring. Nakikita ko na nahirapan din siya ng konti. Pero thank God at nanalo pa rin siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa niya tuwing may laban si Manny?

"That time, siyempre nagpe-pray ako. Ang sinasabi ko talaga, ‘Lord, help him, help him.' Ganun lang ang sinasabi ko," sagot ng misis ng boksingero.

May pagkakataon ba na sinabihan niya si Manny na tumigil na sa pagbu-boxing?

"Ah, hindi," sagot niya. "Never, never kong sinabi sa kanya na ‘Tumigil ka na sa pagbo-boxing... Kapag nasaktan ka na, umayaw ka na!' Never akong nagsalita ng ganun sa kanya. Pagdating sa boxing, si Manny ang nagde-decide. Ako, no say ako pagdating sa boxing. Support lang ako sa kanya," seryosong pahayag ni Jinky.

Napag-uusapan na ba nila kung hanggang kailan magbo-boxing si Manny?

"Hindi ko alam. Siya yung magde-decide, siya ang masusunod kung hanggang kailan, kung ilang taon pa. Siya na yung bahala."

POLITICAL AMBITION. Tinanong din namin si Jinkee kung may plano pa rin si Manny na ipagpatuloy ang kanyang political ambition. Matatandaang tumakbo noong nakaraang taon si Pacman bilang congressman sa hometown nitong General Santos City, ngunit natalo siya.

"Hindi ko alam," ani Jinkee. "Pero parang hindi na yata niya itutuloy kasi parang na-realize na niya na talagang mag-focus na lang siya sa kanyang boxing career. Kahit ako ang masusunod, ayoko talagang mag-pulitika siya. Ever since naman na pumasok siya... nung tumakbo siya dati, hindi naman ako pumayag na tatakbo siya."

BACK TO SCHOOL. Very proud naman si Jinkee dahil balik-eskuwela rin ang kanyang mister.

"Kasi ipagpapatuloy niya ang kanyang schooling. Magse-second year college na siya sa Gensan, sa Notre Dame of Dadiangas College. Iyon naman kasi talaga ang dream niya, e, na makapag-aral para hindi na daw siya maliitin ng mga ibang tao," saad ng maybahay ni Manny.

Business Management ang kursong kinukuha ni Manny.

"Para in the future na may business na kami, matutukan namin nang maayos. Para may idea naman. Kasi si Manny, gusto niyang mag-handle ng mga boxers. Yun ang plano niya, parang [Oscar] dela Hoya style," pagsisiwalat ni Jinkee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FILM PRODUCER. May balak pa rin ba si Manny na ipagpatuloy ang pagiging film producer pagkatapos ng Anak ng Kumander, na naging official entry sa 2007 Metro Manila Film Festival?

"Hindi na, hindi na, stop na," sambit ni Jinkee. "Tama na yung isang experience na na-experience na niya kung paano mag-produce."

Nagka-trauma ba sila sa una nilang sabak sa pagpu-produce ng pelikula?

"Wala naman, wala naman. Wala nga lang naibalik!" natatawang sabi ni Jinkee.

Dagdag niya, "Yun nga, sayang naman ang pera. Kasi hindi naman talaga nagpo-produce si Manny. Parang gusto lang niyang ma-experience kung ano kaya kung mag-produce siya, ganun. Pero hindi naman nag-succeed yung pagpo-produce niya kaya stop na."

Dahil sikat at mayaman si Pacman, maraming mga babae ang umaaligid sa kanya. Ano ang reaksiyon dito ni Jinkee?



"Yung mga babae? Parang ang dami naman, dyusko!" bulalas niya.

"Yang mga babae na ‘yan? Naku, wala na kayong makukuha, itinago ko na lahat! Barya na lang yung ibinigay ko kay Manny, ‘no! Nasa mga anak ko na, nasa aming dalawa na. Wala na kayong makukuha, barya na lang sa inyo! Sorry na lang kayo!" nakangiti ngunit matapang na pahayag ni Jinkee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN