Joross Gamboa turns down offer to play actor-lover in Rustom Padilla's filmbio

"Daring kasing masyado. So, siguro on my part lang, nandoon pa rin yung limitation," explains Joross Gamboa why he said no to playing Rustom Padilla's actor-lover in the latter's filmbio.



Kahit hindi masyadong visible lately sa telebisyon ang young actor na si Joross Gamboa, hindi naman pala ito nangangahulugan na nakatengga lang siya. In fact, sa loob lang halos ng wala pang dalawang buwan, nakakadalawang balik na si Joross sa Japan para mag-perform.

Nagustuhan daw kasi ang pagiging very lively ni Joross kapag nagpe-perform kaya kahit kagagaling pa lang sa Japan ay nakabalik siyang muli last Holy Week para mag-show. Ayon sa kuwento ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal), natutuwa rin siya dahil sa ikawalang pagkakataon lang ng pagbalik niya sa Japan mas nag-enjoy siya.

"Enjoy rin naman yung first dahil mas matagal kami nag-stay sa Japan sa unang punta namin. Kasama ko rin ang mommy ko. Yun nga lang, sobra ang snow noon kaya hindi rin kami masyadong nakapasyal. Pero yung experience, masaya, kasi first time ko lang na maka-experience ng snow," kuwento ng young actor.



NOT PANICKING. Bukod sa mga out-of-the-country at out-of-town shows na ginagawa ni Joross, nakatapos na rin siya ng isang independent/digital film na may titulong I Love Rogers para sa Cinemalaya.

Ayon kay Joross, okay naman siya at hindi tipong nagpa-panic naartista kapag wala pang regular show na ginagawa. Pagdating daw sakanyang career, ipinauubaya na niya ang lahat sa kanyang bagong managerna si Becky Aguila.



"Ako kasi, okay lang ako namaghintay," sabi niya. "Hindi naman ako nagpa-panic and I trust TitaBecky, alam naman niya kung ano ang dapat gawin. In fact, may sinasabina raw na plano ang ABS-CBN, pero hindi pa sinasabi sa akin kung ano.Basta ako, kung ano ang dumating at okay naman, gagawin ko.



"Enjoynaman ako sa mga shows na ginagawa ko. Naipagpapatuloy ko rin yungpag-aaral ko ng college," pagbabalita pa ni Joross, na second yearcollege student sa Southville International, taking up MassCommunication.

RUSTOM FILMBIO. Hindi na rin itinanggi ni Joross nang tanungin namin siya tungkol sa balitang pagtanggi niya na gumanap sa role ng popular actor na sinasabing nakarelasyon ni Rustom Padilla sa filmbio ng huli. At press time ay hindi pa sure kung matutuloy na gawin ang pelikulang ito tungkol sa buhay ni Rustom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Pero bakit nga ba niya tinanggihan ang role bilang lover ni Rustom?



"Siguro, on my part, gusto ko rin namang i-try yung iba naman. Hangga't maaari sana, iba naman, other than gay role. Yung sa independent film kasi na ginawa ko, may pagka-ganoong tema rin, although iba naman kasi yung attack ng character," paliwanag ni Joross.



May nagsasabing masyado raw kasing "given" yung identity ng sikat na actor na dapat ay gagampanan ni Joross at medyo daring pa ang mga love scenes nila ni Rustom kaya niya ito tinanggihan. Totoo ba ito?



"Isang factor din siguro ‘yon," pag-amin niya. "Daring kasing masyado. So, siguro on my part lang, nandoon pa rin yung limitation."



TEAM-UP WITH ROXANNE. Last March 14, sila ng dating ka-loveteam at ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo ang nagkasama at nagkapareha sa episode ng Maalaala Mo Kaya. Dahil sa pagsasama nilang muli, hindi maiwasan ang may mag-isip kung posible kayang maibalik ang team-up nila.

"Depende sa ABS ‘yon," saad ni Joross. "Para kasing ayaw pa rin nila akong i-pair sa iba. Mukhang mas gusto pa rin nila ako kay Roxanne."

Pero magkaganunman, itinanggi ni Joross ang sinasabing posible na pagbabalikan nila ni Roxanne, lalo pa't inamin na ng dalaga na break na rin sila ni Jake Cuenca.

Aniya, "Hindi na siguro possible ‘yon, if ever. Trabaho na lang lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN