"Maging Sino Ka Man" Book 2 takes its final bow this week

Book 2 of ABS-CBN's primetime series Maging Sino Ka Man will take its final bow this Friday, March 28. Fans of Anne Curtis and Sam Milby (in photo) are hoping that their characters will be reunited in the end, even though Anne's Celine already died of cancer.



Ngayong Biyernes, March 28, ang final episode ng Maging Sino Ka Man (MSKM) Book 2 na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Nagsimula ang MSKM 2 last November kaya tumagal din ito ng more then one season.



Sa pagtatapos ng Book 2 MSKM, maraming katanungan tungkol sa serye ang masasagot at mabubunyag na ang mga rebelasyon.



Obviously, dahil mas fast-paced at mas maraming exciting revelations na nagaganap, mas marami na ang tumututok dito. Patunay nito ang rating na nakukuha ng show since last week. As compared sa mga nakaraang rating na naitatala ng show, mas tumaas ito ng ilang percent on its final stretch.



Aware din ang ABS-CBN management na hindi lahat ng mga viewers ng MSKM 2 ay masaya sa naging takbo ng kuwento, specially with Anne Curtis's character bilang si Celine. Umpisa pa lang kasi ng Book 2 ay napakarami nang petition na natatanggap ang production na huwag pabayaang mamatay ang character nito.



Sa thread din ng MSKM 2 sa Pinoy Exchange, hanggang ngayon ay tila hindi pa rin maka-move on ang mga followers ng JB-Celine (Sam Milby and Anne) love team. Up to now, may request sa production na sana raw ay magkaroon pa rin ng appearance si Anne sa final episode, kahit alam ng mga itong namatay na ito sa kuwento dahil sa cancer.

Isa pa sa gustong mangyari ng mga fans, okay lang sa kanila na patayin na rin ang character ni Sam para sa kabilang buhay na lang ipagpapatuloy ang love story nina JB at Celine.



Sa lahat ng ito, ang additional character sa Book 2 na si Onay, being portrayed by Toni Gonzaga, ang tila hindi pa rin tanggap nang husto ng mga naging avid supporters ng JB-Celine tandem. Kung dati-rati, ang pakiusap nila ay huwag na lang patayin ang character ni Anne; ngayon naman, ang petition nila ay huwag daw hayaan ng production na magkatuluyan sina JB at Onay sa bandang huli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Obviously, masyadong na-involve ang naging followers ng MSKM 2 sa love story nina Sam at Anne simula pa lang sa Book 1. But last say pa rin kung ano talaga ang nakasaad sa script bago pa man simulan ang Book 2. Although in fairness to Toni, she was able to give justice to her role as Onay.



Marami rin ang nag-aabang kung muli bang magkakabalikan sina Eli (John Lloyd Cruz) at Jackie (Bea Alonzo) since napawalang-bisa na ang kanilang kasal and if there will be a third wedding for them.



Ayon sa production team ng MSKM 2, hindi lang sa apat na bida nakatutok ang kuwento sa pagtatapos nito. Marami pa rin daw magaganap na rebelasyon sa iba pang cast, tulad sa mga character nina Angelica Panganiban, Christopher de Leon, Phillip Salvador, at Chin Chin Gutierrez.



Isa pang tanong ay kung ano na ang nangyari sa character ni Rosanna Roces bilang ina ni Angelica. Kung matatandaan, bigla na lang itong pinagbakasyon sa serye.

Marami na ang naglabasan noong balita na paraan ito para tapusin na ang character ng aktres at hindi na muli pang magte-taping dahil sa problema diumanong idinudulot nito sa set. Pinasubalian ito ni Osang noon.

Sa final week ng Maging Sino Ka Man, malalaman kung totoo nga ba ang dati'y usap-usapan lang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN