Kris Aquino loses her pregnancy of seven-and-a-half weeks

"This I'm sure is part of God's will because He wants me to be able togive my mom the best care and as much time as possible without anyhealth concerns of my own," says Kris Aquino in her text message to her close friends.



Isa na namang trahedya ang dumating sa pamilya Aquino.

Isang araw pagkatapos niyang i-announce na may colon cancer ang kanyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino, nakunan ang talk show host at aktres na si Kris Aquino.

Nasa seven and half weeks na ang kanyang dinadala. Ito sana ang ikalawang anak ni Kris at ng mister niyang si James Yap at pangatlo pagkatapos nina Josh (anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador) at Baby James.

Ito ang text message na ipinadala ni Kris sa ilang malalapit na kaibigan, na pinahintulutan niyang gamitin ng PEP (Philippine Entertainment Portal):

"Dr. Pastorfide [Kris's doctor] already ruled that I had miscarriage. My gestational sac has collapsed and my ovum is blighted. This I'm sure is part of God's will because He wants me to be able to give my mom the best care and as much time as possible without any health concerns of my own."

Nakumpirma ang pagbubuntis ni Kris noong March 13 sa taping ng kanyang game show sa ABS-CBN na Wheel of Fortune.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN