FIRST READ ON PEP: Riza Santos replaces Marian Rivera in Dolphy-Vic Sotto movie

Former beauty queen Riza Santos (left) is reportedly taking over the role that was originally meant for Marian Rivera (right) in the first movie together of Dolphy and Vic Sotto.



Nabalitaan ng PEP (Philippine Enterainment Portal) na hindi na matutuloy ang young actress na si Marian Rivera sa Dolphy-Vic Sotto movie. Si Marian sana ang gaganap na leading lady ni Vic at anak ni Dolphy.

Pero as of yesterday, March 24, naiba na ang casting. Out na raw si Marian at ipinalit sa kanya ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ex-housemate na si Riza Santos.

Agad tumawag ang PEP kay Duds Santiago, PRO ng Viva Entertainment, para kumpirmahin ang balita. Ayon sa kanya, hindi pa niya alam kung tinanggap na ng Viva Artist Agency, na siyang humahawak sa career ni Riza, ang project. Pero alam ni Duds na nakipag-meeting na ang producers ng Dolphy-Vic movie sa mga Del Rosario.

Sinubukan din ng PEP na hingin ang pahayag ng manager ni Marian na si Popoy Caritativo sa hindi pagkatuloy ng young actress sa project. Pero hindi pa ito sumasagot.

Malamang na ang schedule ni Marian ang rason kung bakit hindi na niya matatanggap ang project. Magsisimula na kasing mag-taping si Marian ng Dyesebel sa April 2. Sa Palawan ang location ng pilot episode ng Dyesebel. Ang balita ay one week silang mag-i-stay roon at baka ma-extend pa.

Sa Friday naman, March 28, ang scheduled first-day shooting ng first team-up nina Dolphy at Vic sa pelikula. Kahit makabalik ng Maynila si Marian, ang Dyesebel ang kanyang magiging priority.



Wala pa ring title ang movie nina Dolphy at Vic Sotto to be directed by Tony Y. Reyes. Bukod sa main cast at kay Riza, si Ryan Agoncillo pa lang ang alam naming kasama sa pelikula na matagal nang hinihintay ng marami.



If ever, first movie ni Riza ang Dolphy-Vic film project. Big break ito sa beauty queen at sana nga ay simula na ng magandang takbo ng kanyang career.



Kahit wala pang pelikula at regular TV show, controversial na rin si Riza nang ma-link siya kay Mark Bautista at nitong huli ay kay Will Devaughn, na nakasama niya sa PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN