No stunt doubles for Robin Padilla in "Joaquin Bordado"

Despite the injuries and death-defying experiences in Joaquin Bordado's dangerous action scenes, Robin Padilla still refuses to use a stunt double.


Hindi na mabilang ang mga aksidenteng tinamo ni RobinPadilla para lamang mapaganda niya ang action-adventure program niyang JoaquinBordado ng GMA-7.

THE INJURIES SO FAR. Ilan na rito ang muntik na niyangpagkahulog in a rappelling scene, at ang muntik nang pagbagsak sa kanya ngpinto ng isang kotseng pinasabog sa isang blasting scene.

Bukod pa rito ang pakikipaglaban ni Robin sa isang buhay natigre, na dahil hindi nagpa-double ang action superstar ay siya mismo angnakagat ng tigre!

Muntik na ring malingkis si Robin ng isang pagkalaki-lakingsawa sa isang eksenang kinunan for Joaquin Bordado. Apat na tao angnakakabuhat sa naturang sawa, proof na mala-higante nga ito.

May isa ring eksena na walang pakialam na nakipagkarera siRobin sa isang eroplanong tumatakbo sa runway ng airport. Sa lakas nga nghangin mula sa mga propellers ng naturang eroplano ay halos liparin si Robin.

Nawakwak naman ang kamay ni Robin sa isang motorcycle scenena kung saan supposedly ay babanggain niya ang isang pinto para bumukas. Hindiagad bumukas ang pinto, kaya napilitang mag-menor si Robin mulasa napakabilis na pagpapatakbo ng motorsiklo na siyang naging dahilan parasumemplang siya at tumalsik mula sa motor. Pagbagsak ni Binoe ay tumama angkanyang kamay sa isang matalim na bagay kaya nasugatan siya.

A few weeks ago nang naganap ang aksidenteng ito, atnaghilom na ang sugat sa kamay ng action star, pero kamakailan lamang, mulingdinala si Robin sa ospital dahil sa patuloy na pananakit ng kanyang likod bungang pagtilapon niya mula sa motor at pagbagsak sa semento.

Tsinek-up siyang muli sa St. Luke's hospital to make sure nawalang permanente at grabeng damage na idinulot ang aksidenteng iyon kay Robin.Two days and one night nag-stay si Robin sa ospital para ma-monitor ang kanyangkundisyon.

FEARLESS. Madalas na ngang nati-tense ang executiveproducer ng Joaquin Bordado na si Joseph "Otep" Buncalan dahil ngawalang-takot si Robin na sumabak sa mga delikado at death-defying stunts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw ni Robin ng stunt double. Gusto nito na siya mismo anggagawa ng kanyang mga stunts and action routines. Palagi ngang nakaistambaylang at nakatunganga ang mga kinuhang double ni Robin sa set. Hindi namansila nagagamit dahil nga tila walang-takot makipaglaro sa kamatayan ang actionsuperstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN