Drunk bystander disrupts taping of "Joaquin Bordado"

The taping of GMA-7's Joaquin Bordado starring Robin Padilla was interrupted last Monday, March 24, when a drunk bystander named Jun Albano (inset) pounded Robin's van.



Pansamantalang natigil ang taping ng Joaquin Bordado noong Lunes ng hapon, March 24, dahil sa panggugulo diumano ng isang bystander.

Sa kuwento ng mga nakasaksi, dumating daw ang isang Jun Albano sa set ng telefantasya ng GMA-7 at bigla na lang nitong kinalampag ang sinasakyang van ni Robin Padilla. Nakapagmura pa raw ito nang malakas. Lasing na lasing daw noon si Mang Jun.

Hindi na raw nag-aksaya ng panahon si Robin at agad pinatigil ang nanggugulo.

Kahapon, March 25, dumating sa GMA Network si Mang Jun para humingi ng paumanhin sa kanyang nagawa. Agad naman siyang hinarap ng ilang production officers kabilang na ang VP for Drama ng GMA-7 na si Ms. Lilybeth Rasonable at ang program manager ng Entertainment TV na si Mr. Rams David. Nandun din ang manager ni Binoe na si Ms. Betchay Vidanes.

Sa paliwanag ni Mang Jun sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal), dahil na rin daw sa kanyang kalasingan kaya nakuha niyang magbiro ng ganun. Na-excite daw siya nang sobra lalo nang makita si Binoe dahil tulad ng action star, dating bilanggo si Mang Jun.

"Brother, humihingi ako ng tawad sa ‘yo. Patawarin mo ako. Hindi ko alam ang nagawa ko, malaking perhuwisyo sa ‘yo at sa GMA," naluluhang sinabi ni Mang Jun.

"Sana patawarin mo na lang ako, dahil sobrang idolo kita. Sana matulungan mo na lang ako kahit papaano, na makapagsimula ng panibago. Kilala niya [Robin] ako dahil kasamahan ko siya sa loob dati."

Isa rin sa humarap kay Mang Jun kahapon ang executive producer ng Joaquin Bordado na si Joseph "Otep" Buncalan. Nasa OB van daw siya nang mangyari ang insidente at mismong siya rin daw ay nagulat sa ginawa ni Mang Jun.

"Buong puso naman nating tinatanggap yung paumanhin ni Mang Jun. Kahapon nga nang mangyari ang insidente, hinanap agad namin siya dahil gusto namin siyang makausap. Hindi para kung anuman kundi para magkaintindihan kami. Pero ngayong nanghihingi na siya ng tawad, maluwag naming tinatanggap ito," ayon kay Otep.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paalala pa niya, "Sana lang, Mang Jun, Huwag na lang tayong maglasing tapos mamamasyal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN