Bug bites nearly spoiled SexBomb Aira Bermudez's Boracay vacation

"Sa mga magbabaksyon o sasakay ng mga sasakyan na pampubliko, sanatingnan muna nilang mabuti kung malinis nga ang kanilang uupuan ohihigaan. Kasi hindi n'yo alam baka kung anong meron diyan," says SexBomb member Aira Bermudez.



Nakasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News sa D'Talipapa sa Boracay island ang SexBomb member na si Aira Bermudez at ikinuwento nito sa amin na tila may bahid ng pagsisisi ang kanyang pagbabakasyon noon.

Hindi naman daw nila planong pumunta ng Boracay, pero at the last minute, nagdesisyon na raw siya at ang ilang kasama na tumuloy.

"Actually, ang plano namin mag-La Union, pero hindi kami makapagdesisyon. Kaya nag-toss coin kami kaya, ‘ayun nga, Bora ang lumabas," kuwento ng SexBomb member.

Dahil biglaan na rin ang desisyong magpunta sa Boracay, wala na raw nakuhang ticket sa eroplano ang kanyang grupo kaya't Roro o barko na lang ang kanilang sinakyan.

Sa kasamaang palad, medyo may karumihan daw ang nasakyan nilang barko.

"Sa grupo kasi namin, ako lang yung talagang nakatulog. Ang sarap pa ng higa ko dun sa bangko na marami atang surot kaya ito na yung naging resulta niya," ayon kay Aira habang ipinapakita sa amin ang kanyang likod at hita na tadtad talaga ng mga pantal noon.

Natuto na raw siya ng leksiyon sa kanyang napagdaanan.

"Sa mga magbabaksyon o sasakay ng mga sasakyan na pampubliko, sana tingnan muna nilang mabuti kung malinis nga ang kanilang uupuan o hihigaan. Kasi hindi n'yo alam baka kung anong meron diyan," paalala ni Aira.

Kahit puro pantal ang balat ni Aira noon, hindi naman daw ito nakasagabal sa pag-e-enjoy niya sa Boracay. Minsanan na lang daw ang kanyang pagbabaksyon kaya't susulitin daw niya ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN