Mark Herras still willing to help Jennylyn Mercado despite intrigues

"Kung anuman ang kailangan ngayon ni Jen, kahit hanggang lumabas ang baby, basta kaya ko, itutulong ko," says Mark Herras about extending help to ex-girlfriend Jennylyn Mercado (inset).



Halatang nag-aalala si Mark Herras nang makausap namin siya sa Boracay nitong nakalipas na Holy Week dahil sa pinagdadaanan ng kanyang dating girlfriend na si Jennylyn Mercado. Aminado si Mark na hindi naging madali para kay Jennylyn ang kanyang pagbubuntis dahil na rin sa samu't saring mga intrigang dinaanan nito.

Ayon kay Mark, kinumusta niya si Jennylyn noong Holy Week. Sa Tagaytay raw nagpalipas ng Mahal na Araw ang ex-girlfriend. May ilang pagkakataon daw na tinatawagan niya si Jen para lang alamin ang kalagayan nito.

"Wala naman akong masamang binabalak o gagawin dahil tinatawagan ko siya. Hindi naman masamang mangumusta," ayon sa StarStruck 1 Ultimate Male Survivor.

Sana raw ay hindi na bigyang kulay ang kanyang pagtulong kay Jennylyn. Kahit dati raw silang magkasintahan, naging malapit na magkaibigan na raw sila kahit matapos magdesisyong maghiwalay dahil na rin sa katagalan ng kanilang love team at pagsasama. Nalulungkot daw siya na nababahiran ng intriga ultimo ang pagtulong niya.

Hindi na rin muna siya magbibigay ng kahit anong mensahe para sa ama ng dinadala ni Jennylyn na si Patrick Garcia dahil baka gawing isyu ito ng ilan. Basta ang gusto raw ni Mark ay makatulong na lang sa isang kaibigan.

"Dati nga natsismis pa na ako ang ama. Nagbigay lang ako ng gatas, naging masama pa. Hindi naman sila ang nagpasama kundi yung ibang mga tao. Basta ganito na lang, kung anuman ang kailangan ngayon ni Jen, kahit hanggang lumabas ang baby, basta kaya ko, itutulong ko," pahayag ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN