Dingdong Dantes dreams of a military wedding

"Ang dream wedding ko, military wedding, complete withuniform and we will walk under the sword," beams Dingdong Dantes as hereveals how he wants his wedding to be.



Nung kasagsagan ng taping para sa wedding scene ng Marimarsa San Agustin Church, Intramuros, Manila, nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Dingdong Dantes. At mula sa binata, nalaman namingpang-pitong beses na pala siyang "ikinakasal."

"Sa teledrama ko noon na Sana'y Ikaw Na Nga,dalawang beses akong ikinasal kay Tanya [Garcia]," simula ni Dingdong nabilangin sa amin ang mga eksenang ikinakasal siya. "Dalawang beses din kayMaricar [de Mesa]. May wedding scene din kami ni Jolina [Magdangal] safirst movie team-up namin noon sa Viva Films, ang Annie Batungbakal. Atikinasal na rin kami ni Karylle sa first soap namin na Twin Hearts saGMA-7.

Anu-ano naman ang mga naramdaman niya habang ikinakasal siyasa iba't ibang shows at pelikula at sa iba't ibang babae pa man din?

"Iba-iba ang feelings ko noon, iyong kina Tanya atMaricar, seryoso, comedy naman iyong sa amin ni Jolina at siyempre, iba pa riniyong sa amin ni Karylle, although hindi pa naman kami mag-sweetheart noon.Siguro, doon nagsimula iyong ibang feelings ko naman sa kanya dahil after thatnagsunud-sunod na rin iyong kami na ang pinagtambal sa mga soaps, particularlyiyong episode namin sa Love to Love.

"Pero iba ang feelings ko rito sa Marimar," sabi ni Dingdong, as he shifts his topic to the show na nakapagtala ngpinakamataas na ratings for a primetime show. "Mixed emotions ang naramdamanko, kasi hindi ako si Dingdong dito, ako si Sergio na mahal na mahal si Marimarat ang ultimate wish lamang niya, after ng kung anu-anong hirap nilangpinagdaanan, ay makasal sila at maging maligaya. Siguro, hindi ko namalilimutan ang wedding scene na ito."

Malapit na rin silang magsimulang mag-taping ulit ni Marian,this time bilang sina Fredo at Dyesebel sa telefantasyang Dyesebel, maywedding scene din kaya sila?

"I don't know, hindi ko pa po alam kung ano angitatakbo ng story nito, pero ang alam ko po, dahil telefantasya nga ito, maymga comedy scenes dito, hindi kasing seryoso ng Marimar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESERVED MARINE. Next month, April 3, three years nasilang mag-sweetheart ni Karylle, naitanong ng PEP kay Dingdong kung sakali ba, ganoon ding wedding ang gusto niya if ever sila na nga ni Karylle angmagkatuluyan?

"Hindi po. Ang dream wedding ko, military wedding,complete with uniform and we will walk under the sword," nakangiting wikani Dingdong.

Paano iyon, hindi ba ang puwede lamang magkaroon ang militarywedding ay kung member ka ng military?

"I'm a reserved Philippine marine," sagot niDingdong. "Nag-training po ako sa Philippine marine at maycertificate akong natanggap after the training. Pero matagal pang mangyayariiyon [ang kasalan], napag-usapan lang natin, pero hindi ko pa po iniisip,"natatawang sabi ni Dingdong.

"I'm only 27 years old now, marami pa akong gustonggawin. Mas focus pa rin ako sa career ko ngayon at sa mga endorsementsko. Bukod sa Dyesebel, gusto ko ring gumawa naman ulit ng movie. Resiklopa ang last movie ko last year, sa Metro Manila Film Festival."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN