Angelika dela Cruz asks Ogie Alcasid to compose a song for her album

"Hopefully, before the year ends, matapos ko na ang album ko. Yuntalaga ang gusto ko at siguro naman deserving naman akong gawin ‘yonafter almost eight years din na natengga ako," says Angelika dela Cruz about reviving her singing career.



Bukod sa pinakabagong primetime series ni Angelika dela Cruz sa GMA-7 na Babangon Ako't Dudurugin Kita, isang bagong endorsement pa ang dumating sa actress-singer. Si Angelika ang pinakabagong celebrity endorser ng Blooming Skin & Cosmetic Surgery Center ng Royale Business Club International, Inc.



Halatang flattered na flattered naman si Angelika nang marinig ang dahilan ng mga boss ng Blooming kung bakit siya among the celebrities ang napili nilang maging endorser.



Si Toni Gonzaga ang artistang pinalitan ni Angelika as endorser ng Blooming. One year daw ang kontrata ni Angelika, pero kung ire-renew raw siyang muli, gusto niyang sa Blooming pa rin siya mag-e-endorse.



PROUD WITH NEW SOAP. Tungkol naman sa bago niyang drama series sa Kapuso network, kahit wala pa si Angelika sa pilot ng Babangon na nagsimulang umere last Monday night, March 24, talagang inupuan at pinanood na raw niya ito.

"Alam n'yo, sobrang proud ako sa soap namin. Ang ganda! Pilot pa lang, pero ang ganda na. Kaya kahit wala pa ako, talagang pinanood ko," kuwento ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sa second or third week pa raw ng Babangon Ako't Dudurugin Kita lalabas ang character ni Angelika.

Bakas sa mukha ni Angelika ang kasiyahan na nakabalik siyang muli sa GMA-7. Tinanong namin siya kung may iba pang naka-line up na proyekto sa kanya ang Kapuso network bukod sa Babangon.



Nakangiti nitong sinabing, "Naku, abangan n'yo na lang po... Abangan na lang po nila. Ayoko pa pong magkuwento, basta abangan na lang nila."



DENNIS TRILLO.
Pagkatapos ng presscon ni Angelika for Blooming sa Punchline comedy bar, dumiretso naman siya sa taping ng E.S.P. kung saan isa siya sa guest stars. Wala pa raw siyang ideya kung sino sa GMA artists ang makakasama niya bukod kay Iza Calzado, na siyang bida sa naturang horror series.



May nagbanggit ng pangalan ni Dennis Trillo na tila siyang makakasama ni Angelika sa E.S.P. Natawa si Angelika dahil pilit siyang pinagre-react ng entertainment press nang mabanggit ang pangalan ni Dennis, lalo pa nga't first time pa lang nilang magkakasama ng young actor sa isang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sinabi ko naman na before sa interview ko, kahit sa Showbiz Central noon, na si Dennis Trillo ang isa sa mga gusto kong makatrabaho. Kasi mas masarap magtrabaho kapag magaling yung kasama mong umarte. E, I've worked na rin naman with other GMA actors like Dingdong Dantes, Marvin Agustin... Si Dennis kasi, never pa," saad ni Angelika.



May nagpapasok ng possibility na baka raw puwedeng sila pala ni Dennis ang i-love team. Pero maagap ang pagtanggi ni Angelika rito.



"Hindi na siguro okay yung loveteam, parang hindi na bagay. Hindi na naman kami mga teenager!" natatawa niyang sabi.



ABORTED SINGING CAREER.
Sa ngayon, kung meron man daw isang bagay na gustung-gustong ma-accomplish si Angelika, ito ay ang maipagpatuloy ang kanyang singing career. Iba ang excitement ni Angelika kapag tungkol na sa paggawa ng album ang napag-uusapan.



"'Yan talaga ang gustung-gusto ko!" bulalas niya. "Hopefully, before the year ends, matapos ko na ang album ko. Yun talaga ang gusto ko at siguro naman deserving naman akong gawin ‘yon after almost eight years din na natengga ako."



Matatandaang nagkaroon ng problema si Angelika noon sa BMG Records. Matagal din bago natapos ang kaso niya sa unang recording company na sana'y magpo-produce ng kanyang album noong halos nagsisimula pa lang siya sa showbiz.



Sa ngayon, nasa proseso na raw siya ng pamimili ng mga kantang ire-record niya. Mostly originals, pero may mga revivals din daw siyang gagawin. Ayon kay Angelika, may meeting siya this Thursday, March 27, sa GMA at dito pa lang nila paplantsahin ang maraming bagay.



Bagama't hindi direktang sinabi ni Angelika kung GMA Records ba ang magre-release ng magiging album niya, kung anuman ang kakahinatnan ng magiging meeting niya this Thursday ay iyon na 'yon. Although, napag-alaman din ng PEP mula sa ama ni Angelika na si Mr. Ernie dela Cruz na may Japanese producer din daw na interesadong mag-produce ng album ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Isa lang nga sa wish ni Angelika kung makakagawa ng album. Ito ay ang mabigyan siya ng kanta ng idolong si Ogie Alcasid.



"As of now, wala pang ibinibigay si Kuya Ogie... Kuya Ogie, penge namang kanta!" natatawang tila panawagan pa niya sa singer-songwriter. "Favorite ko talaga si Kuya Ogie, Martin Nievera, Gary Valenciano, and Ate Regine Velasquez.



"Si Kuya Ogie, last time ko siyang nakausap, puro songs pa rin ang pinag-uusapan namin. Hindi naman siya nag-promise na gagawan niya ako, pero sinabi ko na at kinukulit ko talaga siya. Kuya Ogie, kanta ko, please," natatawang sabi ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN