Gerald Anderson: "Promise, wala akong kilalang Alyanna Tan na 15 years old."

"Dun sa sinasabing gusto na raw niyang ibulgar ang relasyon namin,pasensiya na. Pero ang hirap magsalita kasi baka hindi naman talagasiya nag-e-exist, hindi naman talaga siya totoong tao kundi nagagamitlang ng iba," says Gerald Anderson about a report that he has a non-showbiz girlfriend named Alyanna Tan.



Sa kabila ng consistent na pagde-deny ni Gerald Anderson na walang katotohanan ang sinasabing tagong relasyon niya sa isang dalaga na nagngangalang Alyanna Tan, hindi pa rin mamatay-matay ang issue tungkol dito.



Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang isang "open letter" ng isang "fan" na malapit na kaibigan diumano ni Gerald at ng ka-love team nitong si Kim Chiu. Ayon sa "fan," hindi na raw niya matagalan ang ginagawa ng young actor na pagsabayin sina Kim at Alyanna.

Nakasaad din sa "open letter" na patuloy lang daw tinitiis ni Kim ang ginagawang ito ni Gerald dahil sa laki ng pagmamahal niya sa kapareha. Samantalang sa parte naman daw ni Alyanna ay gusto na raw naman ng 15-year-old non-showbiz girlfriend daw ni Gerald na ilabas na ang kanilang relasyon.



NOT TRUE. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last March 25 si Gerald sa presscon para sa March birthday celebrants ng Star Magic—Gerald turned 19 last March 7. Pinagtatakhan ng young actor ang lumalabas na mga balita gayong wala raw siyang nakilalang Alyanna Tan sa buong buhay niya.



"Promise, wala akong kilalang Alyanna Tan na fifteen years old," tanggi ng young actor. "Dun sa sinasabing gusto na raw niyang ibulgar ang relasyon namin, pasensiya na. Pero ang hirap magsalita kasi baka hindi naman talaga siya nag-e-exist, hindi naman talaga siya totoong tao kundi nagagamit lang ng iba. Kung fan naman siya, dapat kilala ko siya. Kung Kim-Gerald [fan siya], magagalit sila dun kung may gumagawa na ganun sa mga kasama nila."

Sa isyung nagtitiis na lang daw si Kim at pinagpapatuloy ang relasyon nilang dalawa, hindi pa rin nagbabago ang sagot ni Gerald na hindi pa umaabot ang samahan nila sa pagiging espesyal na magkaibigan.

Sa isyung breakup naman, simple lang ang sagot na ibinigay sa amin ng young actor: "Hindi kami puwedeng mag-break kung hindi kami, di ba? Our relationship is still the same, ganun pa rin kami. We're still close friends, nandito pa rin ako lagi para sa kanya. Nandun pa rin siya lagi para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIM'S DEBUT. Sa April 19 ang debut ni Kim at marami ang nag-aabang kung ano kaya ang regalo ni Gerald sa kapareha. Nando'n din ang tanong ng lahat kung si Gerald din kaya ang magiging last dance ng young actress sa cotillion nito.



"Mayroon na akong gift sa kanya but surprise ‘yon, hintayin na lang ninyo yung April 19. Tatay niya yung last dance niya, I'll give it to her dad. Mas maganda kung ako yung escort niya, na kay Kim ‘yon," saad ni Gerald.

MY GIRL. Kumpirmado na ang pagtatambal muli nina Gerald at Kim sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Girl. Pero maraming mga fans ni Kim at sinabi rin mismo ng young actress na gusto rin niyang makapareha dito si Sam Milby. Nagbigay ng reaksiyon si Gerald sa opinion na ito ng ka-loveteam at ng ibang mga fans.



"Ganun talaga, you can't please everyone," saad niya. "May mga fans na ayaw sa iyo, may mga fans na in love na in love sa iyo. Kung gusto ni Kim na maka-partner din si Sam sa My Girl, hindi ako nahe-hurt kahit kaunti. Sam is a good guy, siya nga kumanta nung ‘My Girl' [theme song] before. Sa akin kasi, kung ano ang plano ng ABS, wala akong magagawa dun.



"Basta right this moment, I'm overwhelmed. Pinapanood ko na yung My Girl. Difficult siya kasi medyo matured na yung role ko dito, but I'm really excited."

Nagbigay rin ng opinyon si Gerald sa bagong batch ng housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Matatandaang sa unang season ng naturang reality show nanggaling si Gerald at si Kim na siyang nanalo.



"Nandun ako sa opening and I can say ang aastig nila. Hindi ako nate-threatened or nagwo-worry because alam ko naman na kami talaga ang first. Kahit na ilan pa ang dumating, at least we're the first edition of PBB teens," pahayag ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN