Lovi Poe looks up to Sunshine Dizon as her role model

"I remember si Ate Shine, parang siya yung mentor ko, sinabiniya sa akin, ‘You should explore, you shouldn't stick to one. If you wannagrow as an actress, explore, try different things,' and that's what I'm doing,"says Lovi Poe about Sunshine Dizon, whom she considers as her role model.


Very close sila, pero ayon nga kay Lovi Poe nang hulingmakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala pa silangseryosohan at pormal na relasyon ni Jolo Revilla.

"No, we're not together," pahayag ni Lovi.

Hindi rin niya masasabi kung kagaya sila ng ilan sa mgashowbiz couple ngayon, na may mutual understanding or M.U. lang, pero hindi pamag-on.

"I cannot really say na M.U., but we hang out a lot and yun,we're happy with each other's company."

Lagi namang sinasabi ni Jolo na willing siyang maghintay.Hanggang kailan nga ba paghihintayin ni Lovi ang binata bago nito ipagkaloobdito ang kanyang matamis na "Oo"?

"Actually, malalaman naman natin kung aabot talaga tayodun," medyo bitin na sagot ni Lovi sa tanong ng PEP.

Meron bang nakakapigil kay Lovi para sagutin si Jolo?

"Kasi ako naman yung type of person na hindi akopadalus-dalos, I'm not impulsive naman," sagot na lang ng dalaga.

May mga nasusulat na sila na raw talaga ni Jolo, base sanakikita sa kanilang mga galaw at pagke-care nila sa isa't isa.

"No, yun yung mga times na inaalalayan niya ako or yung mga,‘Are you okay?' Yung mga ganun," tanggi pa uli ni Lovi.

Sa tingin naman ni Lovi, serious sa kanya si Jolo.

"So far, I like what I see, and kung tuluy-tuloy, eh digood. Ha-ha-ha!"at napahalakhak na lang nang tuluyan ang dalaga.

Aminado si Lovi, pressured siya sa kinabibilangan niyangshow na Kaputol ng Isang Awit kung saan kasama niya sina Jolo, MarkyCielo, and Glaiza de Castro.

"Actually, every show, may pressure na agad na napi-feel,but then sa set enjoy kaming lahat, sobrang family. First day pa lang, ang sayana naming lahat, so nakakawala ng pressure. It's more of like...parang laru-larolang," kuwento ni Lovi tungkol sa atmosphere nila sa set ng Kaputol ng IsangAwit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"SI ATE SHINE." Si Sunshine Dizon pala ang role modelni Lovi bilang isang mahusay na artista, kaya kahit medyo off-beat role bilangbida-kontabida ay tinanggap ni Lovi sa Kaputol.

"Actually hindi po talaga siya kontrabida, iba yung magigingtwist niya in the middle po," pahayag ni Lovi about her role in Kaputol.

"And pumayag ako for the role kasi I remember si Ate Shine,parang siya yung mentor ko, sinabi niya sa akin, ‘You should explore, youshouldn't stick to one. If you wanna grow as an actress, explore, try differentthings,' and that's what I'm doing.

"Kasi sobrang humahanga ako kay Ate Shine. Tingnan mo siya, Best Actress, kaya I wanna be taken seriously, I don't wanna do the same oldthing na lagi kong ginagawa noon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN