Marian Rivera's manager explains why she had to back out of Dolphy-Vic movie

"Unfair at pangit kay Yan [palayaw ni Marian] ang akusasyon dahiltinanggap namin ang project nang hindi pinag-usapan ang talent fee.Tinanggap namin ‘yon dahil sa pagmamahal at utang na loob namin kinaMr. Tuviera at Vic," says Marian Rivera's manager about the young actress' decision to back out of the Dolphy-Vic Sotto movie.



Nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkalungkot ng young actress na si Marian Rivera sa lumabas na report na talent fee ang rason kung bakit hindi na siya ang leading lady ni Vic Sotto sa pelikula ng comedian with Comedy King Dolphy.

Ang pangit nga naman kung dahil sa pera ay kalilimutan ni Marian ang utang na loob niya kina Vic at Mr. Tony Tuviera ng TAPE, Inc. na naging producers ng young actress noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang showbiz career.



Ang Enteng Kabisote 2 ng M-Zet Films ni Vic ang first movie ni Marian. Kahit special role lang siya roon, ipinagpapasalamat pa rin niya ito nang lubos.

Ang TAPE, Inc. naman ang nagbigay sa young actress ng break niya sa TV, nang ipareha siya kay Oyo Sotto sa afternoon soap na Kung Mamahalin Mo Lang Ako.



"Unfair at pangit kay Yan [palayaw ni Marian] ang akusasyon dahil tinanggap namin ang project nang hindi pinag-usapan ang talent fee. Tinanggap namin ‘yon dahil sa pagmamahal at utang na loob namin kina Mr. Tuviera at Vic," pahayag ni Popoy Caritativo, ang manager ni Marian.



Dagdag ni Popoy, kaya ni Marian ang eight-days shooting ng Dolphy-Vic movie kung natuloy na pagkatapos ng Marimar siya magsu-shoot. Pero nabago nang nabago ang shooting schedule dahil umalis sina Vic at Dolphy papuntang U.S. para sa Visionay Awards at nag-Holy Week pa. Kung kailan libre nang mag-shooting sina Vic at Dolphy, si Marian naman ang hindi pumuwede dahil sa Dyesebel.

After ng pictorial ng Dyesebel sa March 31, aalis na ang grupo for Palawan para nasa location na sila lahat sa April 2, na siyang first taping day schedule ng follow-up project ni Marian after Marimar. One week straight sila roon at baka ma-extend pa kung gugustuhin ni Direk Joyce Bernal na mas mapaganda pa ang pilot week ng naturang fantaserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tuwang-tuwa raw si Direk Joyce at staff ng Dyesebel sa dedication na ipinapakita ni Marian sa bago niyang serye. Dalawang beses pa lang nagsu-swimming lesson ang young actress gamit ang costume niyang buntot, pero kumportable na siya agad at mala-sirena na kung lumangoy. Sa swimming lesson ni Marian sa Beyond Bounce sa Pansol, Laguna, nagsuot na siya ng buntot at inulit sa training niya ito sa isang swimming pool sa Quezon City.



Samantala, hindi pa man umeere ang Dyesebel, inuulan na naman ng offers ng product endorsements si Marian. May bago siyang tinanggap na TV commercial na isu-shoot bago siya pumunta sa Palawan. Bawal pang sabihin kung ano ito at ang clue lang na maibibigay ng PEP ay isa itong health drink.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN