Chit Ramos wants STRAM to manage Maja Salvador completely

Chit Ramos with Maja Salvador during happier times. TitaChit has asked Malou Santos of STRAM (Star Records Artists Management) to take over in managing Maja who recently took the effort to patch thingsup with her.



"Sabi nga ng mga taga-ABS [CBN], dapat din daw ang mgaartista magkaroon ng workshop...on how to handle success," pasaring na banggit niTita Chit sa kalagitnaan ng kanyang pakikipanayam sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

"Tita Chit" ang palambing na tawag ng karamihan sa localshowbiz kay Chit Ramos, kapatid ng batikang showbiz columnist at celebritymanager na si Manay Ethel Ramos at manager ng young star na si Maja Salvador.

Natiyempuhan ng PEP si Tita Chit nang matapos na angpresscon ng pelikulang Manay Po 2: Overload, sa Imperial Palace, QuezonCity. Although naroon siya bilang imbitadong miyembro ng showbiz press naiinterbyu sa cast ng pelikula, kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na siyanaman ang mainterbyu hinggil sa pagkakagalit at pagbabati na naganap sa pagitannilang dalawa ng alagang si Maja Salvador.

THE RIFT. Ilang buwan na ang nakalipas nang pumutokang balitang may hindi pagkakaunawaan sina Tita Chit at si Maja.

"Last year, it started as blind items. ‘Tapos nung sinabikong I want to drop her, it became ‘free-for-all,'" pahayag ni Tita Chit.

By "free-for-all," Tita Chit means malaya nang ibinato kayMaja ng karamihan sa showbiz press ang iba't ibang akusasyon na hango sa mganagsikalat na blind items. Nang tanungin ng PEP ang tungkol sa tunay na dahilanng pagkakagalit nila ni Maja, nakiusap na lang si Tita Chit na huwag nangmagsalita about it. Para nga naman sa nanumbalik na nilang workingrelationship.

Kinumpirma na lang ni Tita Chit sa PEP na three months ngasilang hindi nag-usap nang harapan ni Maja. Kung mag-text man ito ayipino-forward daw ni Tita Chit ang mga mensahe sa nakatatandang kapatid niya nasi Manay Ethel na siyang tumatayong adviser din niya sa pagha-handle ngtalents.

From Manay Ethel, nakuha ni Tita Chit ang go signal to letgo of Maja. But still, nakatali daw sila (Tita Chit and Maja) sa kontratangmagtatapos pa sa 2009. Kaya kahit nahindi sila nagkakausap, ginagawa pa rin ni Tita Chit ang functions niya asMaja's manager, tulad ng paghahanap ng raket at pagko-close ng deals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A SEARCHING DAUGHTER. Masama ang loob ni Tita Chit sanangyari sa kanila ni Maja. Parang nabalewala kasi ang samahan nilang tumakbong halos apat na taon. Samahang nagsimula sa bukas-loob na pagtulong lang niyasa dalaginding na noo'y naghahanap sa amang may sakit.

"She's been looking for her dad for seven years," kuwento niTita Chit. "Nabalitaan kasi nila na may sakit ito at laging isinusugod saospital ni Phillip Salvador."

Maja's father, it turned out, was 1960s matinee idol RossRival, or Rosauro Salvador in real life, isa sa mga kapatid ni Phillip. Isanaman sa mga nakarelasyon ni Ross ang ina ni Maja na si Thelma Andres.

"Si Thelma, siya yung kasama ni Maja nung pinuntahan na nilaako. Kasamahan kasi ni Maja sa modeling [company] noon ang anak ko, si Farrah.Kaya nung malaman niya na kilala ko ang mga Salvador, nagpasama sila kayFarrah."

Close daw kasi si Tita Chit sa mga Salvador na artista ngpinagtatrabahuhan niya noon bilang PR na Moviestars Productions.

"Hindi makapaniwala si Maja na makakausap na niya si PhillipSalvador. Inabot ko sa kanya yung cell phone ko, ‘tapos sabi ko, ‘Call your TitoIpe.' Tinapon niya yung cellphone ko. Hindi siya makapaniwala, "pagpa-flashback ni Tita Chit.

Ang mga sumunod na eksena raw ay ang pagmi-meet nina Phillipat ni Maja na ini-record naman ni Tita Chit sa kanyang video camera. Soon,lumabas na rin si Maja at ang reunion ng kanyang ama sa The Buzz.Nagustuhan daw kasi ni Boy Abunda ang istorya ni Maja na isang batangnaghahanap ng kanyang ama, hindi para humingi ng tulong kundi para tulunganito.

"Yung reunion [of Maja and dad], talagang dramatic, mayiyakan...nandun lahat ng ingredients of a teleserye at ng isang sisikat na bata,"patuloy ni Tita Chit.

At sumikat nga si Maja. After ng The Buzz exposureniya, ipinatawag sina Tita Chit at Maja ni then ABS-CBN Executive VicePresident Charo Santos-Concio at sinabihan si Maja ng, "I'll make you a star."And a star Maja became.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MANAGEMENT BASED ON TRUST. Simple lang ang nagingarrangement nina Tita Chit at Maja pagdating sa management. No contract ngasana at lahat ay by trust lang. "Tamad talaga akong kumolekta. Kaya I evenallowed my stars to collect, ‘tapos ibibigay na lang sa akin ang komisyon ko.Kaya nung umpisa ang mother ni Maja ang kumo-collect, ‘tapos ihahatid na langsa bahay ang commission ko," patunay pa nga ni Tita Chit.

Kinailangan na lang daw nilang pumirma ng kontrata nangtanggapin nila ang co-management contract with then Talent Center (now StarMagic). Two years ang kontrata nila with Talent Center, habang silang dalawanaman ni Maja (with her mother signing also dahil minor pa noon si Maja) ay pumirmang sarili nilang kontrata na magtatali sa kanila hanggang 2009.

"Kaya nga... ayoko na sanang banggitin ito at ewan ko kungtalagang sinabi niya noon na wala naman daw siyang kontrata sa akin. Pero yungpag-imbita sa kanya ng lawyer ko sa office niya para bigyan siya ng copy nungcontract na pinirmahan niya noon would remind her na meron nga siyangpinirmahan, with her mother pa nga. Tatlo kaming nakapirma roon."

WORKAHOLIC. As a talent, sobrang sipag si Maja,ayon kay Tita Chit. "May mga project na minsan ayoko na, pero sasabihin niya parin sa akin na kunin daw, dahil sayang at grasya daw yun.

"Sabi nga niya, ‘Tita, dalawang klase lang ang artista, yungmay trabaho at yung wala. Huwag po tayong tatanggi kasi grasya na po ‘yan ngDiyos. Kaya nga minsan meron siyang mga project na ayoko na sana, pero dahilgusto niya at tinatanong ko naman siya kung kaya pa ng katawan niya, kinukuhapa rin namin. Gusto niya, e. So nirerespeto ko yun."

Hindi rin daw kasing-naïve as she looks si Maja. Matalinoraw ito't alam kung ano ang kailangan niya.

"She knows her finances, she knows what I know. She looksyoung, pero she knows a lot. Matalino siya," banggit pa ni Tita Chit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya nga tiwala raw si Tita Chit na kahit wala siya sa tabini Maja ay kaya nitong pangalagaan ang sarili.

Pero nito ngang 2007 hanggang 2008, naging maasim angkanilang samahan na humantong sa ‘di nila pag-uusap at pag-aalitan.

TAKING IT SLOW. Nagsimula lang na bumaba ang tension sa pagitan nila nang si Maja na mismo ang gumawa ng step to patchup with Tita Chit.

"Sa libing ng mother ko, nagulat ako nang may yumakap mulasa likuran ko," pag-alaala ni Tita Chit sa unang pagkikita nilang muli ni Maja.

"Siguro mas pinili ni Maja na dun sa libing na magpunta kasimas konti ang press, mas konti ang camera at tao. At siguro kilala niya rin akomasyado na baka mag-resist ako kapag sa harapan siya dumaan para yakapin ako.Kaya niyakap niya na ako from behind."

Hindi naman daw kagandahang asal ang mapahiya ang bisitangnakikiramay kaya wala namang nangyaring hindi maganda noong niyakap na si TitaChit ni Maja bilang pakikiramay at pakikipagbati na rin sa kanya. Binigyan panga raw ni Tita Chit ng tatlong white roses si Maja para ibigay sa labi ngkanyang ina bago ito ilibing.

Nang makita ni Maja si Manay Ethel na malapit lang sa kanyaay niyakap niya rin ito na mas lalong nagpalambot ng puso ni Tita Chit.

"Nagyayakapan sila roon na parang mag-ina talaga. I wastouched by Maja's gesture," ani pa ni Tita Chit.

Sa mga interview kay Maja, inamin niyang inuunti-unti niyaraw ang pakikipagbati kay Tita Chit. Ayaw niya raw itong biglain at bakamagkaroon na naman sila ng usapin.

"Kilala niya na talaga ako kung ganun," komento ni Tita Chittungkol sa ginagawi ni Maja. Ayaw rin naman daw ni Tita Chit na basta na langisantabi ang lahat ng nangyaring gusot sa kanilang dalawa. Kaya nga pagkataposng eksena sa libing ng kanyang ina at inasikaso na niya uli ang trabaho bilangmanager ni Maja, pinakiusapan pa ni Tita Chit si Manay Ethel kung puwedeng ito namuna ang mag-preside sa pa-presscon ng isang produktong ineendorso ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasama kasi sa pinirmahan naming contract with the productna may pa-presscon kami. Kinausap ko si Ethel na kung puwede siya angmag-preside kasi kung ako ang naroon siguradong ang itatanong ang tungkol sapagbabati namin at hindi yung produkto," paliwanag ni Tita Chit.

Pero pagkatapos daw ng presscon, umupo sa tabi niya si Majaat naglambing.

"Tita, samahan mo naman ako sa ganito, samahan mo naman akosa ganyan. Hindi ako sumasagot, because I wanted Ma'am Malou Santos to have thefinal say."

SEVERING RELATION. Nang matapos ang kontrata ninaTita Chit at Maja sa Star Magic (Talent Center) last year, pumirma naman silang kontrata with STRAM (Star Records Artists Management) na pag-aari ni MalouSantos at headed by Annabelle Regalado. At gusto nga sana ni Tita Chit na kungmay mga bagong papasuking transaksyon ay si Malou Santos o ang STRAM na angmagdedesisyon.

"Nakapagsabi na kasi ako noon kay Ma'am Malou na I wouldlike to sever my relation with Maja. Ang sabi ko nga noon kay Annabelle, who'slike the bridge between me and Ma'am Malou, kung gusto nila, bilhin nila angcontract. Parang ganun. Ayoko ng away, basta...tapos na."

Sa tono ng pananalita ni Tita Chit, masasabing nagingmalalim talaga ang ginawang sugat ng alitan nila ni Maja. Kung siya nga raw angmasusunod ay gusto niyang tapos na ang lahat sa kanila ni Maja.

"But it all depends on what Ma'am Malou will say. Ang gustokasi nila balikan [kami ni Maja]. Kung yun ang gusto nila, susunod na lang ako.I have so much respect for Ma'am Malou and Ma'am Charo [Malou Santos's sister],na anything that they will say about my relationship with Maja, tatanggapin kona lang. Ayoko rin namang makagalit sila. Ayoko rin namang madamay pati na yungbagong talents ko.

"I would like to maintain a very good relationship with them[STRAM]. And, siguro, one of the things that I should maintain is theirfriendship and their respect."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN