Mr. Pogi Edgar Allan Guzman reveals one-month affair with Iwa Moto

"Walang problema with Iwa. Mabait siya and she's veryunderstanding. Ako yung may problema talaga. It's just that, may mga bagay naayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part waysna lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends," Edgar AllanGuzman sadly confesses about his one-month relationship with Iwa Moto.


Inamin ni Mr. Pogi winner Edgar Allan Guzman sa launch ngworkout VCD na Body Buddies: The Body Circuit Workout na naginggirlfriend pala niya for one month si Iwa Moto.

Nagsimula ang one month relationship nila ni Iwa aftermagkakilala sa "Glamorous Life" special ng Showbiz Central last year.

"Crush na crush ko kasi si Iwa that time kaya noong makilalako siya, hindi na ako nahiya at hiningi ko agad ang number niya. Type ko kasiang mga mapuputi at chinita, ‘tapos sexy pa si Iwa. Niligawan ko siya at nagingkami for one month lang," kuwento ng nanalo sa pakontes na paguwapuhan ng EatBulaga!.

Hindi raw nagtagal ang relasyon nila ni Iwa dahil nagkaroonsila ng mga personal na problema. Sabi nga ni Edgar, siya ang may problemakaya hindi naging maayos ang takbo ng relasyon nila.

"Walang problema with Iwa. Mabait siya and she's veryunderstanding. Ako yung may problema talaga. It's just that, may mga bagay naayokong madamay si Iwa. Alam naman ni Iwa ‘yon and we decided na mag-part waysna lang. Pero kahit na naghiwalay kami, we parted as good friends."

Sa ngayon ay loveless pa rin si Edgar dahil concentrated itosa kanyang career ngayon bilang miyembro ng The Studs. Natutuwa nga siya kayIwa dahil masaya ito sa piling ng kanyang boyfriend na nagngangalang MickeyAblan.

"Last time na nakita ko si Iwa, blooming siya. Obvious nashe's in love. Kaya happy ako for her kasi may inspirasyon na siya. Ako, walapa talaga kasi mahirap na makahanap ng kapalit niya," sabay ngiti ni Edgar.

Ngayong buwan ng April nga ay mag-e-expire na raw angkontrata niya sa T.A.P.E. Inc. Baka raw maghanap na siya ng bagong manager namagha-handle sa kanya ng full-time.

Kasama si Edgar sa bagong season ng DaisySiete titled "Prince Charming and the 7 Maids" na sa March 31 magsisimula sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN