Toni Gonzaga says boyfriend Paul Soriano awed by Holy Week procession

"Nakita niya yung mga naglalakadsa prosisyon papuntang Antipolo church. First time daw niyang nakita'yon. Tumigil siya dahil namamangha siya dahil ang kapal ng tao, magkabilang street. Hindi na siya malakaran," narrates Toni Gonzaga about her boyfriend Paul Soriano's Holy Week experience.


Sa Catch Meconcert ni Toni Gonzaga last month, maraming fans ang nakapansin na panay angpagkuha ng pictures niya ng boyfriend niyang si Paul Soriano. Pero noongnag-duet na raw si Toni at ang ka-love team nitong si Sam Milby, biglang itinago ni Paul ang kanyangkamera.



"Meron namang pictures si Sam, dalawa. Nakita ko naman!" natatawang sabi ni Toni sa presscon ng repeat ng Catch Me.

Upangpatunayan na may kinuhang pictures si Direk Paul kay Sam sa concert niToni, pinost pa raw ito ng kanyang boyfriend sa kanyang Multiplyaccount.



Totoo bang pinagseselosan ni Paul si Sam?



"Walasiyang [Paul] selos factor. Ano, nung una kasi, hindi niyanaiintindihan. Akala niya na ‘pag alam na ng public na committed or mayboyfriend, akala niya hindi na magkaka-love team. Akala niya ganun saPilipinas. Sabi ko, hindi. Hindi naman ganun ang showbiz saPhilippines. Mape-pair ka pa rin sa iba't ibang leading men.

"Kayasabi ko sa kanya, ganun talaga ‘yon. Eventually, naiintindihan namanniya. Pero hindi naman siya talagang selos na selos. Nagtataka langsiya, nagugulat lang siya. But at the end of the day, he alwaysunderstands me," lahad ni Toni.



Magkaibigan ba sina Sam at Paul?



"Oo,"sagot ni Toni. "Kapag nagkikita sila, nag-uusap sila. One time nag-textpa sila sa isa't isa. Natuwa naman ako. Sabi ko, ‘Wow!' Hindi namansila textmates, pero they have each other's number.


"Kasi nung time na ‘yon, kami ni Sam angmagkasama all the way nung start of this year. Magkasama kaming gumagawang pelikula, magkasama kami sa Maging Sino Ka Man, magkasamakami sa concert. So, sabi ko, mas marami kaming time na magkasama niSam. So yun, nag-a-update-an sila. Pero hindi naman sila constanttextmates. Ano lang, konting tsika, ganun. Pero hindi naman supertext," paliwanag ng TV host-actress-singer.



HOLY WEEK EXPERIENCE. Saan naman sila nag-spend ng Holy Week ni Paul?



"Wala, sa Taytay ako nag-Holy Week. Hindi ako umalis. ‘Tsaka masarap sa Taytay," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin, baka may "halo" na sila sa ulo ni Paul dahil sa napaka-solemn na in-observe nila ang Holy Week.



"Oo, lumalabas na nga ang pakpak ko. Lumilipad na ako," balik-biro ni Toni.



"Hindiano, dito lang ako sa Taytay. Um-attend ako ng Sunrise service [Paskong Pagkabuhay sa mga Katoliko] sa amin gaya ng lagi kong ginagawa.‘Tapos um-attend din ako ng Thursday service sa amin na daddy ko angnag-preach. ‘Tapos dinala ko naman si Paul sa Taytay para ma-experiencenaman niya yung Taytay culture ng pagsisimba.



"So,natuwa naman siya. Very new sa kanya. Nakita niya yung mga naglalakadsa prosisyon papuntang Antipolo church. First time daw niyang nakita'yon. Tumigil siya dahil namamangha siya dahil ang kapal ng tao, magkabilang street. Hindi na siya malakaran," kuwento ng dalaga.



Kasama rin daw sa Sunrise service nila si Direk Paul.



"Oo,sabi nga ng ibang taga-Taytay, ‘Ay, ang aga mo, ha. Sa kanila [Toni] kanatulog?' Sabi ko, ‘Hay, ano ba ‘yan? Hindi, ‘no. Ayaw ng daddy ko.'"



SWIMMING WITH PAUL.
Ayon pa kay Toni, for the first time ay nakalangoy na rin sa swimming pool sa bahay nina Toni ang kanyang boyfriend.



"Nung Holy Week dahil bawal mag-out of town, kami-kami lang," pagbabalita niya.



Nag-trunks ba si Direk Paul nang nag-swimming sa bahay niya?



"Hindi, naka-board shorts!" natatawang sagot ni Toni.



Naghinayang ba siya?



"Oo!" tawa niya. "Joke lang. Nandun sina mommy at daddy kaya may parental guidance!"



Nakagamit na rin ba si Paul ng banyo sa kuwarto niya nung mag-swimming sila sa bahay nina Toni?



"Nakakagamit naman yun ng banyo sa baba, hindi sa itaas [sa kuwarto niya]. Bawal kundi tsuk!" sabi ni Toni.

Patuloyniya, "Mabait naman siya kasi to think na lumaki siya sa States,nag-a-adjust siya sa Filipino culture, especially with my parents navery, very conservative, na one thing naman na-appreciate ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN