Cherry Pie Picache flattered by Rufa Mae Quinto's admiration

Award-winning dramatic actress Cherry Pie Picache reprises her role as the mother of three gay sons in the sequel of Manay Po. "Itong Manay Po naman, talagang nag-enjoy ako doing it last year kaya natuwa ako noong gawin ang sequel," says Cherry Pie.


Muli na namang masusubukan ang pagiging komedyante ng award-winning drama actress na si Cherry Pie Picache sa comedy film ng Regal Entertainment na Manay Po 2: Overload. Gagamapanan ulit ni Cherry Pie ang role niya bilang ina ng tatlong bading na anak, pero ngayon ay magkakaapo na siya mula sa isang babymaker.



Ayon kay Cherry Pie, pagkatapos niyang gumawa ng serious films gaya ng Foster Child, masarap bumalik sa comedy na forte talaga niya. Sa mga hindi nakakaalam ay unang lumabas si Cherry Pie sa sitcom na Pubhouse ng IBC-13 during the late ‘80s. Kasama pa niya rito sina Chanda Romero at Dang Cecilio. Ang pangalan pa nga ng character niya sa naturang sitcom ay Valentina Cuaresma.



"Comedy will always be a part of my life," sabi ni Cherry Pie sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Diyan ako nagsimula bago ako kinuha sa mga drama movies at drama shows. Para maiba naman paminsan-minsan, di ba?



"Itong Manay Po naman, talagang nag-enjoy ako doing it last year kaya natuwa ako noong gawin ang sequel. This time, mas riot kasi ka-join pa si Rufa Mae Quinto bilang babymaker ng isang anak kong bading."



Second time na makakatrabaho ni Cherry Pie si Rufa Mae after nilang magsama sa isa ring comedy film, ang Ako Legal Wife. Konti lang daw kasi ang mga eksena nila sa pelikulang ‘yon, unlike sa Manay Po 2 na halos lahat ng mga nakakatawang eksena ay magkasama sila.



Natutuwa nga si Cherry Pie kay Rufa Mae dahil inamin nito sa kanya na big fan siya ng sexy comedienne noong wala pa ito sa showbiz.



"Hindi ko alam kung mapa-flatter ba ako sa mga sinasabi ni P-Chi [nickname ni Rufa Mae] kasi parang ang tanda-tanda ko na!" sabay tawa niya. "Pero in fairness, alam lahat ni P-Chi ang mga pelikulang nagawa ko in the past noong nagsisimula pa lang ako. Nakakatuwa because hindi ko ini-expect ‘yon from her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nabanggit pa nga raw ni Rufa Mae kay Cherry Pie na gusto nitong manalo ng award para sa isang comedy film, tulad ng pagkapanalo ni Cherry Pie for Bridal Shower.



"Dito sa Manay Po 2, magaling si P-Chi. As in lahat ng kung anu-anong mga eksena ay ginawa niya. She's game and such a trooper. Kung manalo man siya ng award for this movie, she deserves it kasi nga sobrang nakakatawa rito as one of my gay son's babymaker na mahilig mag-quote na mali-mali," sabi ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN