Pauleen Luna and Michelle Madrigal still have unfinished business

While they were both still in ABS-CBN, Pauleen Luna (left) and Michelle Madrigal (right) already had a rift. Now that they are with GMA-7, that rift still has to be resolved.


Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula kay Pauleen Luna na may "unfinished business" pa pala ni Michelle Madrigal.

Dalawa ang common denominator nila. Pareho silang naging ex-girlfriend ng young actor na si JC de Vera at pareho silang galing sa ABS-CBN at ngayon ay nasa bakuran na ng GMA 7.

Ayon kay Pauleen, hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nagkakausap ni Michelle.

"I'm just waiting for one word, I'm just waiting for ‘sorry.' That's it," sabi ni Pauleen.

Sorry for?

"Everything that she's done, alam na niya yun," nakakaintriga niyang tugon.

Paano kung nag-sorry sa kanya si Michelle?

"We can be okay," sabi ni Pauleen. "Kasi I just saw her in Cebu, sa hotel pa ng boyfriend ko [Valenzuela mayor Sherwin Gatchalian]. Hindi naman niya ako pinansin."

Never daw mauuna si Pauleen na lumapit kay Michelle dahil wala naman daw siyang ginawang masama.

Wala raw kinalaman ang past nila with JC sa gap nina Pauleen at Michelle.

"Hindi siya ang pinag-awayan namin. Ang pinag-awayan namin, yung ginawa ni Michelle sa akin."

Ano ang ginawa sa kanya ni Michelle?

"Sobrang siniraan niya ako."

Kanino?

"Sa lahat ng tao... I have people who can attest to that."

Ano ang mga example ng mga sinabi ni Michelle against her?

"Kung anu-ano. Basta."

Bakit niya ginawa yun sa kanya?

"Hindi ko alam."

Kailan pa ‘to?

"Matagal na, nasa ABS pa ako, e."

Walang idea si Pauleen kung may galit ba sa kanya si Michelle or something.

Ano ang masasabi ni Pauleen na nasa GMA-7 na rin si Michelle ngayon at isa sa mga stars ng upcoming Dyesebel? Balitang tinanggihan ng manager ni Pauleen si Lolit Solis ang kontrabida role sa naturang fantaserye.

"Okay lang, it doesn't matter. I've bumped into her so many times, but wala naman. Hindi naman ako apektado. I don't think she's affected also."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag ba siyang magkatrabaho sila?

"It doesn't matter, you don't have to be friends."

Ayon kay Pauleen, wala naman siyang balak awayin si Michelle.

"Hindi ko naman siya inaaway, civil lang ako. If you say ‘hi,' maybe I'll say ‘hi.'"

May time na ba na nagkita sila sa bakuran ng GMA-7?

"Wala pa yata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN