Mark Anthony Fernandez now a certified Kapuso star; inks exlusive deal with GMA-7

"I want to prove sa marami na ito na ang bagong Mark Anthony Fernandez. I'm constantly trying to improve and be a better man for my family at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin," says Mark Anthony Fernandez.


Isa nang certified Kapuso star si Mark Anthony Fernandez dahil pumirma na siya ng isang exclusive contract sa GMA-7 last Friday, March 28.



Present sa kanyang contract signing ang kanyang manager na si Dondon Monteverde, GMA-7 Vice President for Entertainment Television Ms. Wilma Galvante, and GMA-7 Vice President for Drama Ms. Lilybeth Rasonable.



Hindi nga makapaniwala si Mark na pumipirma na siya ng isang exclusive contract para sa isang giant TV network. Kuwento ni Mark, noong sinabi sa kanya na pipirma na siya ng network contract, hindi raw siya naniwala noong una. Noong araw ng pirmahan daw lang siya parang nagising sa isang panaginip.



"Parang hindi totoo ito," sabi pa ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Noong papunta pa lang kami dito sa GMA-7, parang tulala ako. Hindi ako nagsasalita. Para kasing ang bilis-bilis ng mga pangyayari ngayon sa buhay ko. For the first time, na-feel ko na tama lahat ng mga ginagawa ko.



"Maraming salamat sa mga taong naniwala sa akin, most specially sa GMA-7 which really trusted me with good roles na talaga namang pinagbubuti ko. I am proud to a Kapuso talaga."



MAJOR COMEBACK. Isang major comeback para sa 27 years old na si Mark sa larangan ng TV ang soap opera ng GMA-7 na Impostora, kung saan gumanap siyang asawa ni Sunshine Dizon.

Pagkatapos niyang makakuha ng magagandang feedback sa kanyang performance sa Impostora, nabigyan siya ng mas complex na character bilang si Lucero, ang primero kontrabida ni Richard Gutierrez, sa Kamandag. Dito sa Kamandag nag-shine ulit nang husto ang pagiging dramatic actor ni Mark.



"I am happy na nabigyan nila ako ng isang nakapahirap na role sa Kamandag," sabi ng aktor. "I really put my whole heart and soul to it. Sinabi ko sa sarili ko, since Impostora nga, na second chance ko na ito sa pagiging artista at ayokong pumalpak ulit. I want to prove sa marami na ito na ang bagong Mark Anthony Fernandez. I'm constantly trying to improve and be a better man for my family at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



PROUD PARENTS. Mas natuwa nga raw ang mga magulang ni Mark na sina Rudy Fernandez at Alma Moreno nang ibalita niya na isa na siyang exclusive Kapuso star.



"Si Papa masayang-masaya noong ibalita ko," ngiti ni Mark. "Nasa States siya ngayon and he's undergoing medical treatment. Mga two months sila doon ni Tita Lorna [Tolentino]. When I talked with him over the phone, tuwang-tuwa siya and he said na he's really proud of me.



"Huwag ko raw pabayaan ang career ko dahil marami ang nagmamahal at naniniwala sa akin. I told him naman na everything is okay with me. I made a promise to change at heto na ‘yon. I'm reaping the rewards na.



"Si Mama naman, she's also very happy for me. Ipinagdarasal daw niya parati na maging maayos ang buhay ko. Sinabi ko nga sa kanya na lahat ng prayers niya ay natupad na. Mama is busy now sa Parañaque City working as a councilor. She's doing fine at, so far, wala akong alam na intriga sa kanya."



Sa nalalapit na pagtatapos ng Kamandag, may nakahanda nang bagong show para kay Mark pero hindi pa raw niya ito puwedeng i-reveal. Pero tinitiyak daw ng GMA-7 na muling maipapakita ang husay ni Mark sa pag-arte at masasama siya ulit as one of the country's finest dramatic actors.



Nabanggit din ni Mark na in two years time ay baka sundan na nila ng kanyang misis na si Melissa ang kanilang anak na si Cameron. Malaki na raw kasi si Cameron at naghahanap na ng kapatid.



"Nakaka-miss na rin ‘yung may karga kang baby, e. Siguro pagpaplanuhan pa namin ni Melissa ang lahat, plus konting ipon pa. Maybe in two years, baka may kapatid na si Cameron," pagtatapos ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN