Rainier Castillo still denies rumored relationship with Stef Prescott

"Kapag may girlfriend naman na ako, malalaman din naman, e. Hindi ko na kailangang itago pa. Kaya kami ni Stef, we're good friends. Yun ang hindi ko maide-deny," explains StarStruck 1 First Prince Rainier Castillo.


Buong ningning pa ring itinatanggi ni Rainier Castillo na may relasyon sila ng StarStruck 4 Avenger na si Stef Prescott. Kahit na may ilan nang nakakita sa dalawa na magkasama at hinahatid pa raw ni Rainier si Stef sa isang music school sa Quezon City, super deny pa rin ang young actor.



"Kelan daw ako nakitang kasama si Stef?" tanong ni Rainier. "Baka naman dahil magkasama kami sa show o baka naman kamukha ko lang. Matagal ko na rin kasing hindi nakakasama si Stef, though nagte-text naman kami parati."



Tanong ng ilan, kung walang namamagitan kina Rainier at Stef, bakit daw kinausap ni Stef ang ex-girlfriend ni Rainier na si Sheena Halili? Inamin ni Sheena na kinausap siya ni Stef at nagtanong regarding kay Rainier. Umiiyak pa nga raw si Stef at pinatahan pa ito ni Sheena.



"Hindi ko alam ‘yan," gulat na reaction ni Rainier. "Ako naman, hindi ako nagtatanong or nakikialam sa mga usapan na ganyan. May nakapagsabi lang sa akin tungkol diyan, pero akala ko binibiro lang ako. Talaga bang nag-usap sila? Wala talaga akong alam."



Tingin tuloy ng marami kay Rainier ay siya pa itong nagde-deny kay Stef. The same way daw sa ginawa nitong pagde-deny noon kay Sheena kaya nag-break silang dalawa.



"Para naman ang sama-sama kong tao. Hindi naman ako ganun, di ba?" malambing na sabi ni Rainier. "Si Stef, close kami talaga. Pero wala kaming relasyon. Puwede naman mangyari, pero wala pa sa tamang panahon.



"Ako naman, mas focus ako sa mga trabaho ko ngayon. Bukod kasi dito sa Tasya Fantasya, meron pa akong Kamandag kaya nadagdagan ang work ko ngayon.



"Kapag may girlfriend naman na ako, malalaman din naman, e. Hindi ko na kailangang itago pa. Kaya kami ni Stef, we're good friends. Yun ang hindi ko maide-deny," pahayag ni Rainier.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN