GMA Artist Center talents including Hero Angeles shoot first image plug

About 84 artists under GMA Artist Center converge for the first image plug of the Kapuso network's talent arm.


Around 84 GMA Artist Center (GMAAC) talents showed up for the first GMAAC image plug shoot.

Magkasunod na dumating sa Station 168 Internet Café sina Mark Herras at Mike Tan kagabi, March 29. Galing sila sa Bulacan Airport kung saan kinunan ang GMAAC plug that will include a four-minute commercial na ilu-launch sa SOP on April 20.

Si Direk Louie Ignacio ang nag-handle ng production ng TV plug. Kuwento nina Mark at Mike, alas-singko ng hapon nakapagsimula ang shoot kahit alas-onse ang call time dahil noon lang sila pinayagang mag-shoot sa nasabing airport. May oras din silang allocated kung kaya't nang gumiling na ang camera, tuluy-tuloy na rin ito hanggang natapos sila ng mga alas-diyes ng gabi.

Dumami ng ganito ang bilang ng artista ng GMA Artist Center dahil sa dami na rin ng grupo ng stars na nagsimula sa iba't ibang reality talent shows ng GMA-7. These include four batches of StarStruck with 14 stars each, one batch of StarStruck Kids of 14 din, three batches of Pinoy Pop Superstars, plus a batch of Pop Star Kids ng QTV-11, and a number of transferees and new faces.

Leading the pack are two former Kapamilya stars Marvin Agustin and Angelika dela Cruz and homegrown talents Iza Calzado and Chynna Ortaleza, plus more former Star Magic stars na sina Paolo Paraiso, ang magkapatid na Felix at Dominic Roco, and Isabel Oli, now all under GMAAC.

The biggest new inclusion in the list is the first Star Circle Quest grand questor Hero Angeles, na hindi lang pala magbabalik TV sa GMA-7 via Dysebel. Under co-management na rin pala ang young actor with German Moreno and GMAAC.

Sa mga new faces, nandoon sina Victor Aliwalas of Marimar, ang dalawang ipakikilala sa Daisy Siete 18th season na sina Sean at Mark, and male model Einar Eignerberg.

Of the StarStruck stars, may mga surprise attendees and others conspicuously absent sa shoot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Batch 1 ng StarStruck, dumating ang very preggy na si Jennylyn Mercado, samantalang expectedly absent naman sina Katrina Halili na nasa Palawan doing a coffeetable book at si Cristine Reyes na balak nang lumipat sa ABS-CBN. Hindi dumating ang apat na lalaki na sina Anton dela Paz, Tyrone Perez, Alvin Aragon, and Christian Esteban; the latter nasa ibang bansa na. Joining Jennylyn were Mark Herras, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, Sheena Halili, and Jade Lopez.

Sa Batch Two, ang Final Four lang ang dumating: sina Mike Tan, Ryza Cenon, LJ Reyes, and CJ Muere na matagal nang nagpaalam sa GMAAC as semi-retired. Bagama't active pa rin sina Kevin Santos at Ailyn Luna, hindi sila dumalo, pati ang expected na ring si Megan Young na nasa ABS-CBN na. Another surprise news, Kirby de Jesus's non-appearance is because nasa Kapamilya network na siya.

Mas konti lang ang dumating sa Batch 3, sina Marky Cielo, Iwa Moto, and surprisingly, si Jackie Rice. Ang understandably excused lang sa kanila ay sina Chuck Allie, Sara Larsonn, at Bugz Daigo na bumalik na sa mga respective provinces nila. May mga sakit daw sina Arci Muñoz and Rea Nakpil, samantalang may sakit naman ang baby ni Gian Carlos.

Pinaka-almost complete ang Batch 4 dahil ang hindi lang daw nakarating ay si Paulo Avelino na hindi ma-contact.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN