Gabby Concepcion: "Nandidito ako to start a new life."

"Kung anuman ang kasalanan ko sa kanya o kahitna kanino, nandidito ako para humingi ng pagpapatawad. So, let's put all theissues behind us now. I'm not here para mang-intriga. Nandidito ako to start anew life," Gabby C0ncepcion apologizes to ex-wife Sharon Cuneta and to the people with whom he had issues before.


Nagbalik na sa Pilipinas ang isa sa pinakamatagumpay atpinaka-kontrobersiyal na aktor sa local showbiz na si Gabby Concepcionpagkatapos ng 13 years. Dumating si Gabby kahapon, March 30, ng 3:26 AM saNinoy Aquino International Airport lulan ng Philippine Airlines flight 105 mulasa San Francisco. (Click here for PEP's story on Gabby's arrival.)

Matatandaan na noong dekada ‘80 sumikat si Gabby nangmapabilang siya bilang isa sa original Regal babies ni Mother Lily Monteverde,kasama sina William Martinez, Albert Martinez, Snooky, Dina Bonnevie, atMaricel Soriano.

Noong 1981 ay itinambal si Gabby sa ipinapakilala pa langnoon na si Sharon Cuneta sa unang pelikula nito na Dear Heart, na idinirek niDanny Zialcita. Nasundan pa angtambalan nila ni Sharon ng marami pang blockbuster movies under Viva Films,gaya ng P.S. I Love You, My Only Love, Dapat Ka Bang Mahalin?, Sa Hirap atGinhawa, Pati Ba Pintig ng Puso?, Bakit Ikaw Pa Rin?, among others.

Hindi nagtagal ay ikinasal sina Gabby at Sharon noongSeptember 23, 1984. Noong sumunod na taon ay isinilang ni Sharon ang anak nilani Gabby na si KC Concepcion. Ngunit hindi naglaon ay naghiwalay rin angmag-asawa.

Sa kabila nito, patuloy na naging abala sa paggawa ngpelikula si Gabby. Hanggang sa dumatingang isa sa hindi malilimutan at pinakamalaking kontrobersiyang naganap sa local movie industry, ang Manila Film Festival (MMF) scam noong June1994.

Nasangkot ang pangalan ni Gabby sa scam nang ipagpalit ngmanager niyang si Lolit Solis ang pangalan ng mga nanalo para sa Best Actor at Best Actress awards. Kasama rin sa mga nasangkot ang iba pang malalakingpangalan sa showbiz tulad ni Ruffa Gutierrez, ang Miss Universe contestant fromMauritius na si Viveca Babajee, ang kapatid ni Ruffa na si Rocky Gutierrez, angco-artist ni Gabby sa bakuran ni Manay Lolit na si Nanette Medved, at siGretchen Barretto.

Sa tulong ng award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya, nagpatawag sila ng press conference para kay Gabby pagkatapos magsampang demanda laban sa lahat ng sangkot sa MMF scam ang lungsod ng Maynila, sapangunguna ni Mayor Alfredo Lim na siyang mayor ulit ngayon ng naturanglungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulantang ang lahat sa mga naging pahayag ni Gabby thattime dahil idiniin niya na ang kanyang manager noon na si Manay Lolit ang may pakanang lahat sa naganap na MMF scam. Sa madaling-salita, bumaligtad si Gabby sakanyang dating manager.

LIFE IN THE U.S. Pagkalipas ng isang taon, noong 1995, aynagdesisyon si Gabby na lisanin ang Pilipinas at subukan ang buhay sa Amerika. "When I left in 1995, I put it behind me.I need to move on. I had my time," pahayag ni Gabby nang salubungin siya ng TheBuzz sa airport kahapon.

Pagkatapos ng ilang mabibigat napagsubok sa kanyang buhay sa Amerika, naging matagumpay na real-estate brokerat agent si Gabby sa San Francisco, California.

Noong 2004 ay muling nagpakasal si Gabby sa isang Pinay rinna nagngangalang Genevieve Yatco Gonzalez sa isang private wedding sa SanFrancisco. Last year, 2007, isinilang ang ika-apat na anak na babae ni Gabby.

Ilang oras lamang pagbalik ni Gabby sa Pilipinas ay humarapsiya sa isang exclusive interview kay Boy Abunda sa The Buzz. Ito angnagsilbing first live sit-down interview ng aktor sa mahabang panahon. Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Gabby mula sastaff at audience na nasa loob ng studio ng The Buzz sa ABS-CBN.

Inamin ni Gabby sa panayam sa kanya ni Boy na naging mahirap,mabigat at masakit ang mga unang taon niya sa Amerika. Kinailangan niyangmagtrabaho dahil hindi naman tatagal ang naipon niya mula sa showbiz.

"I really need to find an income. So, ang ginawa ko, I wentback to school. Wala nang ibang paraan, e."

BACK IN THE PHILIPPINES. Ngayong 2008, finally aynagdesisyon na nga si Gabby na bumalik ng Pilipinas.

Tinanong siya ni Boy kung ano ang pakiramdam niya habangnasa eroplano pabalik ng Pilipinas.

"Nung nasa eroplano ako, just before mag-touch down,kinakabahan ako kasi I didn't know what to expect. Excited ako, masaya,kinakabahan," lahad ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin din ni Gabby na napaluha siya nung mga oras na ‘yon.

"Oo, e, babalik ka rin, e. Kay tagal mong nawala, perobabalik ka rin," banggit ni Gabby tungkol sa isang awitin na para sa mganagba-balikbayan.

Patuloy niya, "Parati kong naiisip yun, e. Ayaw ko sanamunang umuwi ng Pilipinas... Well, maraming nangyari, marami akong...nasaktan ako,e. So, parang kinalimutan ko ang Pilipinas. Hindi ko na rin inisip na uuwiako."

Ano ang nagpabago sa isip niya at nagdesisyon siyang bumalikng Pilipinas, finally?

"Yun ang matinding tanong," sagot ni Gabby. "Dumami angdahilan kung bakit kailangan kong bumalik ng Pilipinas at isa na doon ay dahilsa ama ko [Mr. Rolly Concepcion]. Because may sakit sa puso ang ama ko. Hindiko naman puwedeng sabihin sa sarili ko na ganun talaga ang buhay, idadasal kona lang. ‘Pag may nangyari sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. So,isa na yun.

"'Tapos, dumagdag na nung dumating ako rito... Nagpapasalamatdin ako kay Rose Flaminiano. Siya rin ang naglakad ng lahat para mapapunta ako," dagdag ng aktor na angtinutukoy ay ang FLT Films producer na siyang tumatayong manager ngayon niGabby.

MOVIE WITH GMA FILMS. Tumindi ang usapan ng posibilidad napag-uwi ni Gabby sa Pilipinas nang mabalita na gagawa siya ng pelikula underGMA Films, ang I.T.AL.Y., kasama si Jolina Magdangal. Pero hindi natuloy siGabby sa proyekto na ngayon ay malapit nang simulan.

"Well, sana matuloy pa rin yun," sambit ni Gabby. "At yunnaman ang unang hinangad ko na sana matuloy ‘yon. Of course, may kontingconflict na hindi naman maiiwasan. Pero hindi ko itinatanggi na gumawa ako ngcommitment na pinasukan ko. So, hinihintay ko na lang na sana matuloy ‘yon paramatapos na. And everybody is aware of it."

Isa raw sa mga dahilan kaya hindi itinuloy ni Gabby angpaggawa ng proyekto kay Jolina ay dahil hindi naman sa kanya umiikot angkuwento ng pelikulang dapat ay gagawin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maraming dahilan, e. Kung ito nga ay magiging comeback, ithas to be a comeback. Kasi kung hindiko magiging comeback, bakit kogagawin? Ang sinasabi ko lang is, babalik ako, e... So, anong tawag doon kungpagbalik ko? So, yun lang ‘yon,"paliwanag ng aktor.

"But definitely, I am honoring the commitment. I've alreadytold the executive that I am honoring my commitment," pahabol ni Gabby.

KAPAMILYA. Bago ang first live interview ni Gabby sa TheBuzz ay kinumpirma na niya sa kanyang pagdating na kabilang na siya saKapamilya network. May nakatakadang teleserye na gagawin si Gabby sa ABS-CBN atpelikula sa Star Cinema.

"Yes, nung nag-usap kami kagabi, nung dumating ako, maramikaming napag-usapan ni Malou [Santos of Star Cinema], and I'm very excited forthe projects because I know kung papano gumawa ang Channel 2," ani Gabby.

Alam na ba niya what specifically ang mga gagawin niyangproyekto?

"Actually, hindi ko rin alam, e. Hindi ko rin alam anggagawin ko dito as far as what movies to shoot. But I know that there areprojects," sagot ng comebacking actor.

SHARON & KC. Malakas naman ang sigawan sa studioaudience ng The Buzz sa pangalan ni Sharon Cuneta nang tanungin ni Boy si Gabbykung sino ang pipiliin niyang leading lady sa darating na movie projects niya.

"Narinig mo na," sabi ni Gabby kay Boy. "Of course, siSharon has been part of my life. Of course, I'd like to do a movie with her.I'd love to do a movie with KC. She's my daughter after all. Sharon is the mother of my daughter. Itwould be nice if we could do something together.

"But of course," pasubali niya, "maraming intrigang papasokdiyan. Katulad nga ng sinabi ni Sharon, paglalaruan lang or you know... Pero kungmaiiwasan natin ‘yon, why not? You know, gumawa tayo, ipakita natin sa taotutal ‘yon ang gusto nila."

Handa na ba siya sa mga intriga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Handa ako," diretsong sagot ni Gabby. "Wala naman akongitinatago. Ang buhay ko, bukas sa tao. Lahat ng intriga, heto nakadikit sabuntot ko. Kasama ako sa showbiz. Kasama ang intriga sa buhay ko. Kaya kung tirahin ako, I'm very open to it. Kayawala na akong itinatago."

Nagkaayos na ba sila ni Sharon?

"Ah, hindi pa kami nag-uusap ng one-on-one. In other words,hindi pa kami nagkikita. Umupo tayo saisang restaurant, kumain tayo, or mag-usap tayo," mensahe ni Gabby para sadating asawa.

Willing ba siyang gawin 'yon kay Sharon?

"Oh, yeah," diin ni Gabby. "But nag-usap na kami satelepono. Nung dumadalaw sa akin si KC, specially when I was in America,nag-usap kami sa telepono. And we've settled it. Okay na kami, maganda yungusapan namin.

"But for us to sit down, hindi na siguro mangyayari ‘yonbecause nag-usap na kami. There's no need. We both understand. Marami na kamingnapag-usapan. But if we want to talk further, we can do that. Pero siguro,there's no more need for it."

Sa tingin niya ba ay may galit sa kanya si Sharon?

"Ay, meron nga ba?" tanong ni Gabby. "Well, siguro sa mganaririnig natin noon, may galit siya sa akin. But that's all in the past. So,kung anuman, ‘eto sasabihin ko, kung anuman ang kasalanan ko sa kanya o kahitna kanino, nandidito ako para humingi ng pagpapatawad. So, let's put all theissues behind us now. I'm not here para mang-intriga. Nandidito ako to start anew life."

Napag-usapan din ang tungkol kay KC. Kung sakali kaya athindi pa nag-uumpisang mag-showbiz si KC, papayagan ba niya na mag-artista angkanyang anak?

"Oo, open naman ako, e. Mama't Papa niya nasa showbiz, so Ithink mangyayari yun, e. So, kung gusto niya, kahit ano ang gusto niya, suportado ako. In fact, nung dumalaw siya saakin [sa Amerika] at hindi pa niya alam ang gagawin niya, sabi ko sa kanya, ‘Ifyou want to continue your study, you can stay with me this time.' Peronagustuhan niya ang showbiz, so why not? Of course, I will support."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MANAY LOLIT. May tampo pa ba siya sa dati niyang manager nasi Lolit Solis?

"Ah, wala na kaming tampuhan ni Lolit," sagot ni Gabby. "Infact, nagkita na kami sa [Las] Vegas. May mga clippings nga yun. Nagulat ngaako na lumapit siya sa akin. Nag-usap kami. Na-settle namin yun on the spot,which is good.

"Hindi ko naman akalain na magkikita kami ni Lolit doon dahilpinanood ko lang si Pacman [Manny Pacquiao]. Buti nanalo. Si Pacman, magalingtalaga. Lahat ng mga fights niya, sinusubaybayan ko. Fan ako ni Pacman, ‘tsakang mga magulang ko.

"Nagkita kami ni Lolit, e, di nag-usap kami. Nag-settle kami.Sabi niya, ‘O, sige, bati na tayo. Pahingi ng one-hundred dollars.' E, di ayosna. Mabuti na lang meron akongone-hundred dollars, kung hindi baka hindi pa kami nagbati.

"Biro lang yun," bawi ni Gabby. "Lolit, kumusta? O, I loveyou, I love you!"

THANK YOU. Binigyan din si Gabby ng chance namakapagpasalamat sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya.

"Mahaba ang thirteen years, baka kulang ang oras natin. Mayoras pa ba tayo?" simula niya.

"Unang-una, siyempre gusto kong magpasalamat sa kapwa Pilipinonatin na nasa Amerika na nagtiwala sa akin nung ako'y pumasok sa real estatedahil karamihan sa kanila, sila rin ang tumatawag. Sila rin ang nabebentahan koat pinagkatiwalaan nila ako. ‘Sino ba itong artista ‘to na may nalalaman sareal estate?' Pinagkatiwalaan nila ako. Ibig sabihin, nandun yung pagtitiwala atpagmamahal.

"So yun, plus yung mga kaibigan ko na nakilala ko na roonwho are strangers to me before I came to America. Marami sila... Ah, there's theArangelo family, the Padlan family, si Butch, they took care of me. Maski walaakong insurance, mga dentista ang mga ‘yan... They took care of me, my family.Ah, marami sila who are in California.

"And of course, now that this is happening, my parents, myfather, my mother, my brothers, my siblings, my relatives, and of course, nowMommy Rose and that's all reason why I am here."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pinakamahalagang natutunan niya sa nangyari sakanyang buhay sa Amerika?

"Mahalaga po itong sasabihin ko... Mabuti you asked thatquestion," sabi ni Gabby kay Boy. "Ang U.S. is very...or anywhere, basta't umaliska ng Pilipinas... Ako on my part saU.S., it's...United States is very humbling. Doon ako natutong...wala kang alalay,wala kang kasama. Ikaw ang gagawa lahat. Walang tutulong sa ‘yo maliban angsarili mo.

"Doon ko nakita na sadsad ka, pero babangon ka rin dahil sasarili mong gawa. Yun, mapag-aaralan mo ‘yon at mararamdaman mo lang ‘yon kapagnapadpad ka run. So, do not neglect the people who you left or the people thatyou've met up there because they are the same people that you will meet downthere," pahayag niya.

Tinanong din siya ni Boy kung ano ang dasal ng puso niyangayon.

"Well, yung pagpapasalamat in 13 years, taon yun. Ofcourse, higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa Kanya because Siya ang nakapagbigaysa akin ng lakas all these years to go on. At lagi akong nagdadasal. Sabi kolang, ‘Lord, padaanin mo lang ako dito, na maging successful ako sa Amerika,magsisimba ako Linggo-Linggo. Lord, ipasa ko lang itong real estate exam ko,magsisimba ako. Lord, pagdating ng panahon at makabalik ako ng Amerika...' Hindinaman ako magpa-pari, pero nandun din ang dasal ko sa Kanya," pagtatapos ni Gabby na guwapong-guwapo pa rin pagkalipasng mahabang panahon na nawala siya sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN