Returning actress LJ Moreno denies "Bilmoko Girl" tag

LJ Moreno clears herself of the accusationsthat her being materialistic is the reason behind her breakup with cagerboyfriend Jimmy Alapag.



Isang exclusive na interview ang binigay ni LJMoreno sa Showbiz Central regarding sa issue na isa raw siyang "Bilmoko Girl" kaya siya iniwan ng kanyang basketball cager boyfriend na si Jimmy Alapag.

Sa kanyang naging interview, sinabi ni LJ namutual ang naging desisyon nila ng kanyang boyfriend na si Jimmy na maghiwalaysila dahil ayaw na nilang lumaki pa ang problema nila at baka umabot pa raw sapoint na mawalan na sila ng respeto sa isa't isa.

Nilinaw ni LJ na hindi issue ang pagigingmaterialistic daw niya dahil never naman siyang nanghingi ng kung anu-ano kayJimmy.

"I will admit na he spoiled me with material thingsna hindi ko naman hinihingi from him," sey ni LJ. "Jimmy is a very generousperson. He would buy me gifts talaga at minsan nagugulat na lang ako.

"But never akong nag-demand ng anything fromhim. Sa mga taong nakakakilala sa akin, lalo na ang mga close friends ko atpamilya ko, alam nila na hindi ako materyosong tao. Kita n'yo naman how simplemy lifestyle is. Hindi ako maluhong tao.

"Kung meron man akong magagandang gamit, Iworked for it naman. I teach pre-school children at The Little Gym at The Fort. May magandang trabaho ako kahit wala ako sa showbiz.

"Plus I am taking up my master's degree inspecial education at De La Salle University. I pay for my tuition kayapaano nila masasabing ‘Bilmoko Girl' ako, ‘di ba?

"It's unfair sa mga lumabas na balita about mepero I kept quiet kasi alam ko at ng mga malalapit sa akin ang totoong dahilanng breakup ko with Jimmy. I'm talking now because I need to defend myself na."

Bago mag-Pasko last year nag-break sina LJ atJimmy pero noong February lang pumutok ang balita. Nanahimik si LJ dahil ayawniyang lumabas na bitter siya sa naging ending ng relasyon nila ni Jimmy. Angtunay na dahilan nga ng paghihiwalay nila ay ang mabuking niya si Jimmy na mayibang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, that was the second time na nahuliko siya na may ibang babae. Noong first time kasi, nagde-date pa lang kami.Hindi pa kami nagkakaroon ng serious relationship so I let that pass. Peronitong huli, three years na kaming may relasyon and I caught him with anothergirl.

"Ang nakakainis pa is that this girl [na ayawpangalanan ni LJ dahil isa itong starlet mula sa isang TV network],according to my sources, ay may boyfriend din na niloloko niya. So ano ba ‘yon,‘di ba? Pero Jimmy denied everything. Hindi raw totoo iyon and the girl wasjust a friend.

"Pero noong maghiwalay na kami, the last Iheard kay Jimmy is that he's still seeing this girl nga. Marami nang mgakaibigan ko ang nakakakita sa kanila at may mga pictures pa silang naka-post saisang home page yata. So, lahat noong dini-deny niya noon ay totoo. I made agood decision of ending our relationship. Siguro nga we weren't really meant tobe."

Para kay LJ ay no second chances na in casebalikan siya ni Jimmy. Ayon kay LJ ay wala na raw siyang nararamdaman para sakanyang ex-boyfriend at nakapag-move on na siya.

"The last time I bumped into Jimmy, as in walana yung feeling. Parang talagang nawala na siya sa sistema ko. Noong firstmonth na naghiwalay kami, umiyak ako talaga because three years kami, e. Perototoo pala na when you've decided to move on, tuluy-tuloy na ‘yon.

"Naging malaking tulong din ‘yung nagingactive ako spiritually. May mga friends ako na nag-invite sa akin sa mga Biblestudies and I really enjoyed the company. Kasi walang negative vibes. Insteadnga raw na maging bitter ako, I will turn that negative energy into somethingpositive and worthwhile.

"May mga friends kasi ako na binubuyo ako nasugurin ko raw yung girl or mura-murahin ko si Jimmy. E, what for? Lalabas langako na desperada and bastos, ‘di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bitter revenge is not the good solution toanything. May nagsabi nga sa akin na kill them with kindness na lang. Masmaganda pala iyon.

"Kaya ngayon, marami ang nagugulat na iba rawang aura ko. Parang hindi ako galing sa isang breakup. Sinasabi ko naman na Ihave peace within me and I can smile at them pa. Life has to go on. Hindi kadapat nakapako lang sa nakaraan. Pick up the broken pieces of your life andmake it whole again."

Sa ngayon ay may mga nanliligaw daw kay LJngayon pero pahinga raw muna siya sa pagkakaroon ng boyfriend.

"Meron namang mga nagpapalipad-hangin, pero Idecided muna na huwag muna akong papasok sa isang relationship. Matagal yungthree years and it's nice to be free again. I have other plans din kasi I wantto be active again sa showbiz.

"If ever naman na I would get into a newrelationship, gusto ko man of God siya. Gusto ko yung spiritual life niya ayokey rin. I've been through a lot of failed relationships, siguro kung mahinalang ako, I would have just cried and cried. Baka ngayon may sakit na ako.

"But I am thankful to God kasi nakilala ko angmga tao na nag-lead sa akin sa tamang direction. Akala ko noon hindi komagugustuhan pero mas okey pala ito. Mas alam mo na ang direksyon ng buhay moif you are spiritually stable."

BACK TO SHOWBIZ. Sa pagbabalik-showbiz nga ni LJ, pumirma siyang kontrata with Viva Artist Agency.

"I recently signed up with Viva ArtistAgency and they have good plans for my comeback sa showbiz. I might putteaching aside muna pero tatapusin ko ang master's degree ko. Mag-uusap panaman kami nila Tita Veronique [del Rosario] regarding sa mga gagawin ko ulit.Excited ako kasi matagal akong nawala sa showbiz. Hopefully, maging magandanaman ang pagbabalik ko."

Noon pa man ay marami nang nagsasabi na bagayna magpa-sexy si LJ. Ngayon ba ay handa na siya to be daring?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Daring in what sense ba? Kung tatanungin n'yoako kung ready na ako mag-two piece bikini, okey na sa akin iyon. Before kasi,ayaw ko. Talagang pa-girl pa ako noon!" sabay tawa niya. "Now, kasi 27 yearsold na ako, puwedeng-puwede na. Hindi na ako mag-iinarte."

Hindi kaya makaapekto ito sa teaching careerniya balang araw?

"Hindi naman siguro because hindi naman akomag-o-all-out na sexy. Hanggang pictorials lang naman. Normal naman siguro yungmag-bathing suit, ‘di ba? Summer naman kasi.

"Siyempre, may konting limit pa rin becausematagal din akong naging teacher sa mga bata. Ayoko silang biglain, ‘di ba?Kaya nga I'm putting it aside for the meantime para makapag-concentrate ako sashowbiz ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN