Judy Ann Santos raves about Cuyo Island

Judy Ann Santos falls in love with a little island provincein Palawan called Cuyo while making her movie, Ploning.



One-on-one naming nakakuwentuhan ang young superstar na siJudy Ann Santos noong Huwebes ng gabi, March 27, at ang naging sentro ng usapannamin ay kung paanong napamahal kay Juday ang Cuyo at ang iba pang isla saPalawan na naging "second home" niya habang nagsu-shooting ng pinakabago niyangpelikula, ang Ploning.

"Napakaganda ng lugar!" simula ni Judy Ann. "At yung mga taosa Cuyo, sobrang kalmado. Yung kuntento sila sa kung ano'ng buhay nila, hindisila naghahanap ng higit sa kung ano pang meron sila," umpisang pahayag ni JudyAnn sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tipikal na probinsiya kung i-describe ni Judy Ann ang Cuyo.

"Oo, yun nga yung ang sarap ng buhay. Hindi ka magtatakakung bakit si Ga [Dante Nico Garcia, Ploning's director], bilang tao,napakamasayahin, napakagaling umatake sa buhay, kasi galing siya sa isang lugarna kalmado yung mga tao, na relax lang sila."

Hindi raw mahirap mangumbinsi ng mga turista na dayuhin ang Cuyo.

"Kasi napaka-virgin nung island. And the people dun saisland, sobrang babait nila. Yung mag-iwan ka ng cell phone...kami nag-iiwan kaming cell phone sa labas ng bahay, pero hindi nawawala. Yung ganun.

"Yung walang...siguro kung may makukulong man sa kanila, dahilsobrang lasing, yung ganu'n. Pero walang magnanakaw, walang nangre-rape, walangnagsasaksakan, walang ganu'n.

"Tsaka sa liit ng pulo, magkakakilala silang lahat."

Ibang experience daw talaga ang pag-stay niya sa Cuyo.

"Very rural, masaya, kasi there's no Internet, ‘tsaka ang TVmga hanggang 2 a.m., ‘tapos lahat ng tindahan, sarado na by 6 pm.

"Yung kung gusto mo talagang maka-experience ng kalmadongbuhay, dun ka.

"‘Tapos may isang island kaming pinuntahan, which is calledPandan Island, na sobrang ganda! Sobrang ganda talaga, ang ganda nung dagatnila. ‘Though yung Pandan Island, yun ang pinakamagandang dagat, kasi sa Cuyo,maganda din naman, ang ganda nung waves, pero hindi naman ganun din kalalim‘yung dagat niya, pero malinis."

Puwedeng i-compare ang Pandan sa Boracay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magkaiba, kasi hindi siya yung pinong sand. Dalawang partsyung Pandan Island, e. Yung isang part, pinung-pino yung sand. Yung kabilangpart, batu-bato. Pero wherever part of the island ka magpunta, picture-perfectsiya. Ganu'n siya kaganda. Yung talagang sasabihin mo na ang ganda ngPilipinas. Maganda siya, hindi lang na-e-explore.

"Kung iga-guard nila yun, ‘tsaka yung mga isda...‘tsaka walangmga dynamite fishing dun."

Walang bars along the whole strip of the beaches na tulad saBoracay at sa Puerto Galera.

"Wala, pero siyempre merong puwede kang bilhan ng mga wine,ng mga beer." Pero dahil hindi nga komersyal na lugar, limitado lang at para samga residente lang talaga.

"Yeah, which is why I like the island, sobra. Dahil hindi pasiya nako-commercialized. Parang feeling mo...ang ganda-ganda ng lugar."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN