Cristine Reyes disproves rumors she's the latest "Wowowee" co-host

Cristine Reyes watched Wowowee with friends andremained in the audience during the airing of the show. She was acknowledged by Wowowee host Willie Revillame.


Maaga pa lang ay nakita na namin si Cristine Reyes sa studiong ABS-CBN 2 kung saan ginanap ang Wowowee kaninang tanghali, Lunes,March 31.

Kaya bigla tuloy naming naisip na baka totoo nga ang kumakalat na tsismis na si Cristineang ilo-launch na bagong female co-host ni Willie, kasabay ng unveiling ngbagong set ng naturang noontime show.

Kaya tinanong agad ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine kungsiya na ba ang latest addition sa mga babaeng hosts ni Willie tuladnina Valerie Concepcion, Precious Lara Quigaman, at Mariel Rodriguez.

"Hindi po, hindi talaga! Manonood lang kami ng show, hindiako host," natatawang sinabi ni Cristine.

Pero hindi namin agad pinaniwalaan si Cristine kaya hinintaynamin ang pagsisimula ng show at nag-stay kami hanggang matapos ito.

Habang naroon kami, napansin namin na mas maganda ngayon atmas class ang bagong set ng naturang noontime show.

At hanggang natapos ang Wowowee, hindi nag-host siCristine. Nasa audience lang ito at nanonood kasama ang mga kaibigan niya.

Pero in-acknowledge siya ni Willie at ang katabi ni Cristinesa upuan na si Nadia Montenegro na nanood din with her friends.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN