Ynna Asistio insists Mark Herras is just a close friend

"Sobrang close na kami ni Mark [Herras] bilang magkaibigan, yungtropa na talaga kami, kaya hindi ko po alam kung ano ang mangyayari kapagnanligaw siya sa akin," says Ynna Asistio.



Nagulat kami nang nakatabi namin sa upuan sa studio ngABS-CBN 2 na nanonood ng Wowowee si Ynna Asistio, ang teenager na anak ni NadiaMontenegro.

It turned out, may mga sinamahan si Nadia na mga kaibiganniya na manood ng noontime show ni Willie Revillame at isinama na rin nito siYnna.

Sinamantala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angpagkakataon na matanong si Ynna kung totoong nanliligaw sa kanya ang Bad Boy ofthe Dance Floor na si Mark Herras.

"Hindi po, hindi po! Magkaibigan lang kami," bulalas ng 16-year-old.Pero inamin ni Ynna na madalas sa bahay nila si Mark.

"Very close naman po talaga kami, kaya madalas siyangmag-hang out sa bahay namin. Kapag nandun siya, wala lang po, tambay-tambaylang, kumakain, ganun lang po," saad pa ni Ynna.

Naging close sina Ynna at Mark noong magkasama sila sa GMA-7show na Mga Mata ni Anghelita. Tinanong namin si Ynna kung hindi basila naglalaro ng computer games na siyang hilig ni Mark.

"Siya po, mahilig mag-DOTA [Defense of the Ancients, anonline network game]. Madalas nga po, pinaghihintay niya kami ni Mommy. Nasasabihin niya, parating na siya, yun pala nagdo-DOTA pa siya," natatawangkuwento ni Ynna.

Tinanong namin siya kung may chance ba na sagutin niya siMark kapag nanligaw na ito sa kanya pagdating niya ng 18 years old.

Sa edad na yun pa lang kasi papayagan si Ynna na tumanggapng mga manliligaw.

"Hindi ko po masasagot yan. Kasi po, sobrang close na kamini Mark bilang magkaibigan, yung tropa na talaga kami, kaya hindi ko po alamkung ano ang mangyayari kapag nanligaw siya sa akin.

"Basta ngayon po, magkaibigan kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN