KC Concepcion on being called a "princess": "Sobrang naiilang po akong talaga!"

"Hindi ko na po iniisip yung royalty. Hindi naman pokasi ako pinalaki na tipong nakalagay sa utak ko na, ‘o, prinsesa ka,'" says KCConcepcion about the "showbiz royalty" and "princess" titles being given toher.


During the press conference for "Yes Sir" the new episode in KC Concepcion'sshow, I Am KC last Saturday, ilan sa mga salitang ginamit sapagpapakilala sa kanya ay "showbiz royalty" and "princess."

The press in attendance agreed na tama lang ang mga ginamit na salita todescribe KC dahil showbiz royalty naman talaga siya, being the daughter ofMegastar Sharon Cuneta and comebacking formermatinee idol Gabby Concepcion.

As for the princess tag, walang-dudang nagkakaisa rin angpress sa ibinigay na titulo kay KC. Sa obserbasyon kasi ng marami, ibang klaseang treatment na ibinibigay kay KC both by the press and the network nakinabibilangan niya. A treatment na malamang ay ikinakakaba na ng iba pangyoung actresses.

HESITANT PRINCESS. Pero mabilis naman sa pagsasabisi KC na malaki ang respeto niya sa ibang young actresses na kasabayan niya atmatagal na sa industriya. Ayaw niya ngang isipin na may special privilege siyana dahilan kung bakit tinatawag na "prinsesa."

"Actually, sobrang nirerespeto ko pong talaga, especially yung mga kasing-edadko na umaarte at nandirito sa industriyang ito.

"So, ayoko po talagang isipin yun ["prinsesa"title]. Kasi, ako po ang nanonood sa kanila. Pinanonood ko po sila. Silanglahat-lahat yan, sina Bea [Alonzo], Angel [Locsin], Angelica[Panganiban]. Lahat ‘yan, pinapanood ko, si Ate Juday [Judy AnnSantos]...lahat ‘yan, nirerespeto ko sila.

"But...ayoko siyang isipin like kung ano yung sinabin'yo...basta ako po, ginagawa ko ang trabaho ko the best I could para hindi akomapahiya sa mga nakakatrabaho ko na matagal na sa industriyang ito."

Hindi raw niya talaga inilalagay sa isip niya na isa siyangshowbiz royalty at dapat na may special treatment.

"Hindi ko na po iniisip yung royalty. Hindi naman pokasi ako pinalaki na tipong nakalagay sa utak ko na, ‘o, prinsesa ka.'

"Kaya sobrang naiilang po akong talaga kapag sinasabingprinsesa ako. At saka, marami naman pong ibang anak diyan ng artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa press na naroon ang nagkomento na iba raw kasi talaga ang dating ni KCfrom the other showbiz sons and daughters na active na rin sa showbiz.

"Ay, thank you po. Pero siguro po kasi, mahilig lang din potalaga akong manood ng ibang artista. So, siguro po, natututo na lang ako sakanila."

FUTURE CO-STAR. Lubos ang paghanga ni KC sa iba pang artista, ngunit walanaman siyang mabanggit na gusto niyang makatrabaho in the future.

"Open naman po ako kung sino ang ibigay sa akin to workwith. Although, sometimes meron po akong, sana si ganyan... So kung may mgaprojects, ibig sabihin I really love to work with them or I really wish to workwith them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN