Gabby Concepcion has yet to see Sharon and KC after his return

Only a few days after he returned to the Philippines, Gabby Concepcion (inset) has not yet seen his ex-wife Sharon Cuneta or his daughter KC Concepcion.



After ng interview ni Boy Abunda kay Gabby Concepcion last Sunday, March 30, sa The Buzz, marami ang nagtatanong kung ano ang reaction ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa mga sinabi ng nagbabalik na dating matinee idol. Kahit dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay maraming nagtatanong kung may nakakausap na raw kina Sharon at KC tungkol nga kay Gabby.

This morning, April 1, na lang nakakuha ng kaunting impormasyon ang PEP tungkol reaksiyon ni Sharon sa pagbabalik ng kanyang first husband nang makausap namin ang isa sa malalapit na kaibigan ng Megastar, although hindi pa rin daw niya nakakausap si Sharon.

"Basta ang alam ko, hindi napanood ni Sharon ang interview," sabi ng source. "Tinapos muna kasi ni Sharon ang lahat ng papers niya tungkol sa Humanities subject niya sa UP Open University mula noong Saturday [March 29] hanggang 10 AM ng Sunday [March 30]. Nang matapos si Sharon sa paper works niya, maghapon na siyang nagtulog dahil noong Monday [March 31] naman ang final exams niya sa for the said subject. Kaya sigurado ako na hindi niya talaga napanood ang interview ni Gabby.

Patuloy na kuwento niya, "After ng exam ni Sharon, tumuloy naman siya para mag-recording sa SonyBMG dahil kailangan niyang matapos ang dalawang albums bago siya umalis for London sa Friday [April 4]. Tamang-tama ‘yon na habang wala si Sharon ay magagawa ang album para sa pagbabalik niya sa April 27—a day bago ang 12th wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan—ay mailu-launch na ito.

"Kaya hindi ako sure kung magpapa-interview pa si Sharon tungkol kay Gabby, dahil ngarag-ngaragan ito sa mga last-minute work na dapat niyang tapusin," pahabol ng source.

Regarding KC, wala pa ring nakuhang sagot ang PEP kung nagkausap na ba sila ng papa niya. Super-busy pa rin daw kasi sa KC dahil tinatapos niya today ang taping ng episode ng I Am KC with Luis Manzano and Albert Martinez dahil for airing na ito on Saturday, April 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tomorrow, April 2, tatapusin naman ni KC ang taping ng fantaserye episode kasama si Makisig Morales. Sa Friday, April 4, na ang alis ng child actor kasama naman ng ina ni KC na si Sharon para sa shooting ng Caregiver sa London. Kailangan na ring mag-taping ni KC ng musical episode niya with Vhong Navarro under Johnny Manahan. Sa Thursday afternoon, April 3, naman ay may bagong product endorsement na ilu-launch si KC.

Kahit ang pagse-celebrate ng 23rd birthday ni KC sa April 7 ay hindi rin alam ng kausap ng PEP kung invited ba niya ang Papa Gabby niya. Ang alam daw kasi ng aming source, ang sabi ni KC, mga barkada niya sa school ang kasama niya sa beach party na inihanda nito. Biro raw ng dalaga, walang invited na lolo't lola dahil ibang celebration daw naman ‘yon.

Ngunit sa interview ni KC sa The Buzz last Sunday rin, sinabi nitong excited siya sa pagbabalik ng kanyang ama. Mas marami raw silang magagawa together ngayong nandito na sa Pilipinas ang Papa Gabby niya.

Bago namin natapos ang article na ito, may natanggap kaming text message na bukas, April 2, ay may contract signing si Sharon para sa Star Cinema. Baka raw doon magsalita ang Megastar tungkol sa pagbabalik ni Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN