FHM cover girl Niña Jose joins cast of ABS-CBN's "My Girl"

Former Pinoy Big Brother Teen housemate and FHM March 2008 cover girl Niña Jose finally has a regular TV show. She will be part of ABS-CBN's upcoming series My Girl.



May regular show na sa ABS-CBN ang newcomer na si Niña Jose,ang Pinoy Big Brother (PBB) Teen EditionSeason 1 ex-housemate. Kasama siya sa cast ng local version ng sisimulan palang na My Girl, kung saan gagampananniya ang papel ng isang dalaga na ipinagpalit ang boyfriend sa ambisyong magingbeauty queen.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nahindi handpicked sa role na Annika si Niña. Pinag-audition siya paratingnan kung may rapport at chemistry sila ng male lead ng My Girl na si GeraldAnderson. Tuwang-tuwa ang mga nag-conduct ng audition dahil kinakitaan agad ngchemistry ang dalawa, kaya kay Niña na ibinigay ang isa sa important roles sa naturang serye.

Ayon sa source ng PEP, bukod sa pagkakaroon ng regular show,isa pang ikinatutuwa ni Niña sa pagkakasama sa My Girl ay ang chance na muling makasama sina Gerald at Kim Chiu naka-batch niya sa PBBTeen Edition 1.

Wala pang sinasabi ang ABS-CBN kung kailan ang airing ng My Girl, pero sa April 14 na ang simulang taping nito. Sina Eric Salud at Trina Dayrit ang magtutulong sa pagdidirehe nito.

Nag-workshop na rin ang buong cast under Direk Rahyan Carlosat kanina, April 1, ginawa ang pictorial.

Nalaman din ng PEP na sa last week na ng April sisimulan angfirst sa eighth-picture contract ni Niña sa Regal Entertainment. Ngunit taliwassa unang report na My Sweet Papa anggagawin niya, ang Bad Girls na angkanyang pagbibidahan, to be directed by Joel Lamangan mula sa script ni RoyIglesias.

Under negotiation pa ang mga artistang makakasama ni Niña sapelikula, pati na kung sino ang kanyang makakapareha.

Hindi mahihirapan sina Direk Joel at ang manager ni Niña na siManny Valera na kumbinsihing magpa-sexy sa pelikula ang dalaga dahil desididona itong magpaka-daring. Sinimulan nga niya ito nang lumabas sa March 2008 coverng FHM, kasama si Hazel Ann Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN