Jolina Magdangal answers PEPsters' comments and questions

"It's the script. Ito ang sinabi niya sa akin. Siya naman ang nakipag-negotiate. Puwede niya naman akongtanggihan from the start, bakit siya pumayag," clarifies Jolina Magdangal about a report that Gabby Cpncepcion backed out from their movie project because of her.



Bukod sa may blog si Jolina Magdangal dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nagbabasa rin siya ng mga main articles and also the comments of the PEPsters.

"Ang bilis ng balita sa PEP," sambit ni Jolina sa send-off lunch na ibinigay sa kanya ng kanyang ama at tumatayong manager na si Mr. Jun Magdangal kahapon, April 1, sa isang restaurant sa Quezon Memorial Circle.

Kuwento niya, "Katulad na lang ng nung nag -presscon ang Pinoy Idol [last March 28]. Tanghali yun, nung hapon nagpa-parlor lang ako para maibalik ang kulay ng buhok ko, nag-open ako ng PC ko, nandoon na yung mga interview sa akin."

Jolens doesn't mind the criticisms she gets from some readers of PEP, now called PEPsters.

"Ang tagal ko na sa industriya, matagal ko na ring alam na you can't please everybody," sabi niya.

Side kuwento nga namin kay Jolina, may mga artistang napapaiyak sa mga harsh comments sa PEP and Jolens can understand that too.

Dahil sunud-sunod ang mga articles about Jolina and Gabby Concepcion regarding their aborted project na I.T.A.L.Y. by GMA Films, we decided to ask Jolina about her opinion sa mga naging comments sa kanya dito gaya ng hindi sila bagay ni Gabby.

"Diyos ko naman, kahit naman sa original script, hindi rin kami ang magkakatuluyan. Hindi naman porke may pagka-romantic ang movie dapat magkatuluyan ang mga bida. Ang character ko rito, parang crush na crush lang si Gabby. Pero in the end, hindi pa rin kami. Marami namang ganoong pelikula," paliwanag ni Jolina.

Si Jolina raw ang inayawan ni Gabby.

"It's the script," paglilinaw ni Jolina. "Ito ang sinabi niya [Gabby] sa akin. Siya naman ang nakipag-negotiate. Puwede niya naman akong tanggihan from the start, bakit siya pumayag?

"Nag-text pa nga siya sa akin, saying sorry na hindi natuloy ang project namin and hopefully huwag daw masira ang friendship namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang nag-comment sa PEP asking kung paano nagkakilala sina Gabby at Jolina. May sumagot naman na naging bell boy raw si Gabby sa hotel na tinutuluyan ni Jolens at nagbuhat pa ng mga gamit ni Jolens. Kapalit nito ay isinama si Gabby sa concert tour ni Jolens.

"Ay, sobra naman ‘yan, hindi totoo yan! Nakakahiya kay Gabby," mariing tanggi ng multimedia artist.

Kuwento ni Jolina, "Around early 2000 yun, may U.S. tour ako. Bago pa lang kami umalis dito [sa Pilipinas], ang isa sa mga producers sa U.S., nag-request kung puwedeng isama si Gabby sa series. Dahil Gabby Concepcion pa rin naman siya, pumayag si Daddy. Siya lang ang sumalubong sa amin.

"Now, yung concert namin, hindi naman kami stay lang sa isang place ‘tapos ito ang magiging home base namin. Tour talaga, stay lang sa hotel for the concert ‘tapos aalis ulit dala lahat ng gamit. Kaya tulong-tulong sa pagbuhat.

"Sa New Jersey noon," patuloy ni Jolina, "tumulong si Gabby sa akin na buhatin ang ilang gamit ko. Kaya nga nasabi ni Daddy na napaka-gentleman ni Gabby to do that. Baka ito ang nakita nila, pero hindi po siya bell boy doon. Dyusko, alam n'yo ba kung ano yung hotel na tinuluyan namin doon, sa Bumbay?! Kukuha ba naman ng mga Pinoy na bell boys yun?"

Mas bagay raw talaga si Gabby sa ABS-CBN dahil nandoon ang ex-wife niyang si Sharon Cuneta at ang anak nilang si KC Concepcion.

"Movie naman itong pinag-uusapan natin, hindi network contract. Kahit ako, fan nila ako ni Ate Sharon. Kinikilig ako sa kanila, so tama lang na doon siya pumirma sa kabila," pahayag ni Jolina.

One keen comment in one of the articles forwarded this theory: Para maayos ang contract dispute between GMA Films and Star Cinema, Star Cinema would let KC Concepcion do the co-production movie with GMA Films with Richard Gutierrez, so GMA Films can release Gabby from his contract. In the end daw, gagastos at gagastos ang ABS-CBN para lang mapalubog si Jolens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayokong isipin yun," sabi ng nagulat na si Jolens.

"Ang liit kong tao para gawin sa akin yun. 4' 11" nga lang ako, ‘no!" patawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN