Yasmien Kurdi prays for her mother's complete recovery

"May buhay din naman yung nanay ko. Hindi naman kailangang anak na lang niya lagi yung aasikasuhin niya," Yasmien Kurdi explains why she has decided not to bring her mother to her showbiz commitments anymore.



Isa sa mga ipinagdarasal ng young actress na si Yasmien Kurdi ngayon ay ang tuluyang paggaling ng sakit ng kanyang ina.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Yasmien, napag-alaman namin na may natitira pang dalawang stones sa kidney ng kanyang ina na hindi pa natse-check-up. Pero ayon kay Yasmien, madali lang ang paraan para alisin ang natitirang kidney stones ng mommy niya.

"Unlike yung isang stone dati, yun yung talagang mamamatay na siya talaga nun. As in namatay siya, three seconds na flatline!" kuwento ni Yasmien tungkol sa pinagdaanan nilang krisis last year.

Ngayon daw ay okay na ang kundisyon ng ina niya dahil hindi na nga delikado ang dalawang stones sa kidney nito, hindi tulad noon na nalason ang dugo ng mommy niya ng sarili nitong urine.

"Hindi ganung ka-delikado ngayon. Okay na yung ngayon, wala na yung danger na ‘yon. Yun ang importante, yung wala na siya sa sobrang panganib," masayang lahad ng dalaga.

Pero dagdag ni Yasmien, sa lalong madaling panahon ay sasailalim ang kanyang ina sa isang medical procedure to make sure na wala nang peligro sa kalusugan nito.

Kaya ngayon, hindi na isinasama ni Yasmien sa kanyang showbiz commitments, ‘tulad ng shootings at tapings, ang kanyang ina. Ito raw ay para makapagpahinga ang mommy niya at makatulog nang maaga sa gabi.

Dgadag niya, "Kasi may mga friends din siya. May buhay din siya. Hindi naman puwedeng puro ako yung tututukan niya. Alam mo yun? May buhay din naman yung nanay ko. Hindi naman kailangang anak na lang niya lagi yung aasikasuhin niya."

Magiging dalawa na ang regular shows ni Yasmien sa GMA-7. Ang drama series na Babangon Ako't Dudurugin Kita sa primetime block at ang fantaserye na Tasya Fantasya na magsisimula na sa Sunday, April 6.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN