Kris Aquino undergoes minor surgery after her miscarriage

Kris Aquino submitted herself to D&C, or dilation and curettage, where herdoctor had to scrape off her ovary, because she was suffering from minor pain andbleeding. The TV host actress announcedtwo weeks ago that she lost her pregnancy of seven-and-a-half-weeks.


Hindi nakasama si Kris Aquino sa live episode ng Boy& Kris kahapon, April 1, kung kaya mag-isa lamang na nag-host si BoyAbunda ng kanilang show.

Ngunit agad namang ipinaalam ng TV host ang dahilan ngkanyang pagliban sa kanilang morning show. Ipinaliwanag ni Kris sa co-host niya na kinailangan niyang magpa-raspakaugnay pa rin ng hindi natuloy na pagbubuntis niya sa ika-tatlo sana niyang anak.

Sa ulat ni Dondon Sermino ng Abante, inilahad nitoang kuwento ni Kris na sa tuwing magbabanyo daw siya ay may konting dugo nalumalabas sa kanya.

Patuloy pang dagdag ng TV host-actress, "Para siyang siponna may dugo. So, tumawag ako sa doctor at nagtanong ako. So, pumunta akoyesterday [Monday] at nagpa-check up, and he said na magparaspa na kami, parasiguraduhin.

"Baka raw kasi magkaroon pa ako ng malalang pain. Kasi kapagini-expel mo 'yon, para kang nagli-labor pain. So, last Monday at 3:00 PM, saMakati Medical, si Dr. Pastorfide [Kris's doctor], siya ang nag-operate sa akin.

"Pinatulog nila ako. It's a normal procedure at mara­mingdumadaan sa ganito. Pinatulog din ako sa surgery, pero minor surgery lang 'yon.

"The whole thing took about an hour, eh. Hindi ko namalayan, basta ginisingnila ako na nasa recovery room ako. Pero ang sabi nila, salita raw ako nangsalita the whole time."

Dahil sa ginawang pagraspa sa kanya, pinayuhan ng kanyang doktor siKris na huwag masyadong magpakapagod at iwasan ang sobrang paglalakad. Aniya, "So, pinagpahinga nila ako afterthat, at bawal daw akong mapagod at maglakad nang maglakad. Baka raw duguin akonang husto. Yun ang sinigurado nila."

Sumunod dito, tinanong ni Boy si Kris kung puwede pa siyangmabuntis matapos ang ginawang operasyon sa kanya. At ayon sa doktor ng TV host, maari pa rin naman daw siyangmagkaanak.

Sa bandang huli ay nagpasalamat si Kris sa mga nagdasal parasa kanya. Ayon sa kanya, mainam na rindaw ang nangyari na hindi nabuo ang kanyang ikalawa sanang anak kay JamesYap. Ayaw na niyang mag-alalapa ang kanyang ina na na si ex-President Cory Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Gayundin, nag-abot din ng pasasalamat si Kris sa mgataong patuloy na nagdarasal para sa kanyang ina na may colon cancer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN