Gabby Concepcion insists his movie with GMA Films will be shot abroad

"Yun mgadetails nun, little complicating. Pero ang kontrata ko with GMA is abroad," says Gabby Concepcion about the details of his contract with GMA Films.



Pumirma na ngexclusive two-year contract ang aktor na si Gabby Concepcion sa ABS-CBN kahapon, April 1, sa9501 restaurant ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound. Present sa contractsigning ni Gabby ang kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano, ang managingdirector ng Star Cinema na si Malou Santos, ang VP for Entertainment na si CoryVidanes, at ang bagong presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio.

Dalawang teleseryesa Kapamilya network at dalawang pelikula sa Star Cinema ang nakapaloob sakontrata ni Gabby. Kung hindi mababago ang unang petsa na sinabi ni Mommy Rosesa PEP (Philippine Entertainment Portal), tuloy ang first shooting day ni Gabbysa April 20 para sa first team up nila ni Claudine Barretto.

Pero uunahin dawmuna ni Gabby ang pagge-guest sa iba't ibang programa sa ABS-CBN. Una na rito angtaping niya para sa Maalaala Mo Kaya.

Sa loob ng elevatorna namin na-interview si Gabby sa dami ng nagpa-picture at bumabati sa kanya.Mula sa contract signing dumiretso pa si Gabby sa taping ng Boy & Kris. Atthe same time, nangangapa pa si Gabby sa mga pasukan at labasan sa iba'tibang opisina sa loob ng ABS-CBN compound.

Tungkol sa kontratani Gabby sa GMA Films, nabasa naman daw niya ito nang buo. Ang alam niya, ifever matuloy ang pelikula niya sa GMA Films ay sa abroad siya magu-shooting naitinanggi naman ng GMA Films. Pero ang tungkol sa unang pelikula niya naipalalabas dito na dapat ay iprinodyus ng GMA Films ay tila hindi natutukanmasyado ni Gabby.

"Yun mgadetails nun, little complicating. Pero ang kontrata ko with GMA is abroad," giitni Gabby.

Kung gayon, puwedetalaga na ang unang pelikula niya na ipalalabas dito sa Pilipinas ay sa ilalimng GMA Films?

"Well, ang ano kokasi with GMA is abroad, so shoot abroad. Kapag ipinalabas? Kahit ano. Bastaang shoot lang naman ang malinaw doon," sabi niya.

Puwede raw gawin ngGMA Films na mauna ang movie na gagawin niya sa nabanggit na movie outfit, perodepende pa rin daw ‘yon sa mga kundisyones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, " pagkumpirmani Gabby. "But it depends on the time frame. May time element doon. So, there'slittle complications nga. Hindi ko naman puwedeng masagot sa ‘yo dahil hindinaman ako abugado."

Ayon naman saisang taga-Star Cinema, hindi na kuwestiyon at dapat pagtalunan kung saang movieoutfit ang unang pelikula ni Gabby na ipapalabas. Mas mahalaga raw para sa mgatagahanga ni Gabby na una siyang mapapanood umarte sa mga programa ng Kapamilyanetwork.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN